Ely Buendia, pinabulaanang muli ang tsismis sa tikod ng kantang “Spoliarium”

Ely Buendia, pinabulaanang muli ang tsismis sa tikod ng kantang “Spoliarium”

- Muling itinanggi ni Ely Buendia ang matagal nang haka-haka na may kaugnayan ang kantang "Spoliarium" ng Eraserheads sa kontrobersiyang kinasangkutan nina Pepsi Paloma at TVJ

- Sa media conference ng dokumentaryong Combo On The Run, sinabi niyang walang katotohanan ang tsismis at nilinaw niyang hindi ito tungkol kina Vic Sotto, Joey de Leon, at Richie D’Horsie

- Ibinahagi rin niya na ang "gintong alak" sa kanta ay tumutukoy sa Goldschlager, isang tunay na alcoholic drink, at ang mga pangalang "Enteng at Joey" ay kanilang road managers noon

- Naninindigan siyang hindi niya kayang sumulat ng isang kantang dudungis sa mga hinahangaan niyang artista kaya dapat nang itigil ang maling interpretasyon sa kanta

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Muling itinanggi ni Ely Buendia ang matagal nang kumakalat na haka-haka tungkol sa kontrobersyal na kantang "Spoliarium" ng Eraserheads.

Ely Buendia, pinabulaanang muli ang tsismis sa tikod ng kantang “Spoliarium”
Ely Buendia, pinabulaanang muli ang tsismis sa tikod ng kantang “Spoliarium” (PHOTO: @elybumbilya/Instagram)
Source: Instagram

Sa media conference ng dokumentaryong pelikula ng iconic OPM bandang Eraserheads na Combo On The Run ngayong Pebrero 17, muling nilinaw ng dating frontman ng banda na walang katotohanan ang matagal nang lumulutang na teorya sa likod ng kanta.

Read also

Derek Ramsay, nanindigang sumagot ang kaibigang si Pernilla sa message ni Andi

"This is a sad thing. I was really heartbroken when that thing came out because I was such a huge fan," aniya. "They are my heroes and I wouldn't dream of writing a song to tarnish my heroes, so that's the most ridiculous rumor."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"And [I] will maintain until today that it's not about them, it's not about Pepsi" mariing pahayag ni Ely, na tinuldukan ang mga paratang na ang lyrics ng "Spoliarium" ay may kaugnayan sa kaso na isinampa ng yumaong sexystar na si Pepsi Paloma laban kina Vic Sotto, Joey de Leon, at Richie D'Horsie noong 1982.

Matatandaang noong Marso 2021, sa kanyang guest appearance sa Wake Up with Jim and Saab podcast, isiniwalat ni Ely na ang "Spoliarium" ay tungkol lamang sa labis na pag-inom ng alak. Aniya, ang "gintong alak" na binanggit sa kanta ay tumutukoy sa Goldschlager, isang klase ng alcoholic drink na may tunay na piraso ng ginto.

Read also

Derek Ramsay, bumwelta sa basher na dinamay ang anak sa isyu nina Andi at Philmar

Dagdag pa rito, nilinaw niya na ang mga pangalang "Enteng at Joey" na binanggit sa kanta ay hindi tumutukoy sa mga TV hosts, kundi sa kanilang road managers noong aktibo pa ang banda.

Sa kabila ng paulit-ulit na paglilinaw ni Ely Buendia, tila patuloy pa ring nabubuhay ang urban legend tungkol sa "Spoliarium." Ngunit para sa mang-aawit, isa lamang itong walang basehang teorya na dapat nang tuluyang ibaon sa limot.

Si Ely Buendia ay isang kilalang Filipino singer-songwriter, musikero, at dating frontman ng legendary OPM bandang Eraserheads. Siya ang pangunahing bokalista at isa sa mga songwriter ng banda, na responsable sa pagsulat ng maraming iconic na kanta tulad ng Ligaya, Ang Huling El Bimbo, Magasin, at Spoliarium.

Umabot sa 1.3 million pesos ang halaga ng bid ng pirmadong gitara ng Eraserheads. Ang halagang ito ay ilalaan sa pagpapagamot ng gitarista naman ng bandang Parokya ni Edgar na si Gab.

Read also

Gloria Diaz, may payo tungkol sa pera: “Don’t lend money you can’t afford to lose"

Tila natuwa si Ely Buendia sa isang video kung saan pinapanood niya ang kanyang “Kalokalike” sa It’s Showtime. Ibinahagi niya ang video sa kanyang social media page at sinabing nag-break siya mula sa UAAP rehearsals nang mapanood niya ang sarili sa noontime show. Natawa rin ang OPM legend nang marinig niyang binanggit ng kanyang “Kalokalike” ang kanyang record label at nagbigay rin ng pagbati kay Audry.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate