Philmar Alipayo, nagpasalamat sa fans at maging sa bashers para sa 1M folowers
- Umabot sa isang milyong followers sa Facebook ang pro-surfer na si Philmar Alipayo dahil sa suporta ng kanyang mga tagahanga at maging ng kanyang mga kritiko
- Ipinahayag ni Philmar ang kanyang pasasalamat sa mga sumusuporta at sumusubaybay sa kanya sa pamamagitan ng isang Facebook post
- Inamin ng ilang followers na sinundan nila ang kanyang account upang makasabay sa isyu tungkol sa kanyang fiancée na si Andi Eigenmann at matalik na kaibigan na si Pernilla Sjoo
- Sinagot ito ni Philmar nang positibo at sinabi niyang nagpapasalamat siya sa kanila dahil kabilang pa rin sila sa mga nagmamahal sa kanya
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Umabot na sa isang milyong followers sa Facebook ang pro-surfer na si Philmar Alipayo, isang bagong milestone sa kanyang social media journey. Ayon sa kanya, utang niya ito hindi lamang sa kanyang mga tagasuporta kundi pati na rin sa mga kritiko.

Source: Facebook
Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Philmar ang kanyang pasasalamat sa mga taong patuloy na sumusubaybay sa kanya.
"Salamat karajaw naka abot nata sa 1M. Ma pasalamaton ako karajaw sa mga nag-supporta sanan nag-sobaybay sa ako, padajon rata gihapon," ani Philmar.
Gayunpaman, inamin ng ilan sa kanyang followers na sinundan lamang nila ang kanyang account upang makasubaybay sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanyang fiancée na si Andi Eigenmann at ng kanyang matalik na kaibigang si Pernilla Sjoo.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ngunit tila hindi ito dinamdam ng surfer at may simpleng tugon siya sa mga naturang komento: "Salamat kay isa ka sa nag mahal nako."
Patuloy na tinatamasa ni Philmar ang kasikatan sa social media, at sa kabila ng mga usap-usapan, nananatili siyang positibo at nakatuon sa kanyang buhay sa isla at sa kanyang surfing career.
Si Philmar Alipayo ay isang professional surfer mula sa Siargao, Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa pinakamahusay na surfers sa bansa at nanalo na ng iba’t ibang surfing competitions, kabilang ang pagiging kampeon sa Siargao National Surfing Cup noong 2017.
Bukod sa kanyang karera sa surfing, mas nakilala si Philmar sa mainstream media bilang fiancé ng aktres na si Andi Eigenmann. Magkasama silang naninirahan sa Siargao kasama ang kanilang mga anak at madalas nilang ibinabahagi ang kanilang island life sa social media.
Naging mainit na usapin sa social media tungkol sa isyu sa pagitan nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo matapos mapansin ng netizens ang kanilang hindi na pagkaka-follow sa isa’t isa sa Instagram. Sa kabila ng mga haka-haka, kinumpirma ni Philmar kamakailan na nagkaayos na sila ni Andi matapos ang napabalitang hindi pagkakaunawaan. Nagbigay ng pabirong reaksyon si RR Enriquez sa pag-aayos nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo matapos ang lumabas na espekulasyon tungkol sa kanilang relasyon.
Nagbahagi si Philmar ng video kung saan siya ay sumasayaw sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan niya. Hindi pa siya nagbibigay ng tugon sa mga pahayag ni Derek Ramsay tungkol sa isyu na may kaugnayan sa kanya at kay Andi Eigenmann. Ayon kay Derek, dapat linawin ni Philmar ang sitwasyon lalo na tungkol sa babaeng naiuugnay sa kanya na si Pernilla. Sinabi rin ni Derek na dapat panagutan ni Philmar ang kanyang ginawa at ipakita ang respeto kay Pernilla.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh