Mon Confiado, nagsalita tungkol sa kontrobersiyal na pelikula tungkol kay Pepsi Paloma

Mon Confiado, nagsalita tungkol sa kontrobersiyal na pelikula tungkol kay Pepsi Paloma

- Nagbigay ng maingat na pahayag si Mon Confiado tungkol sa kontrobersyal na pelikula ni Darryl Yap na TROPP

- Hinihingi ng MTRCB ang kaukulang dokumento mula sa producer bago ito payagang ipalabas sa sinehan kasunod ng cyberlibel case na isinampa ni Vic Sotto laban kay Darryl Yap

- Gumanap si Mon bilang talent manager ni Pepsi Paloma na si Dr. Rey dela Cruz at tiniyak niyang inalam muna niya ang kabuuang istorya bago tanggapin ang papel

- Magiging abala ang aktor sa pagpo-promote ng kanyang bagong horror film na Lilim na ipapalabas sa Marso 12 sa direksyon ni Mikhail Red

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Maingat ang naging sagot ng batikang aktor na si Mon Confiado nang tanungin tungkol sa kontrobersyal na pelikula ni Darryl Yap, ang TROPP.

Mon Confiado, nagsalita tungkol sa kontrobersiyal na pelikula tungkol kay Pepsi Paloma
Mon Confiado, nagsalita tungkol sa kontrobersiyal na pelikula tungkol kay Pepsi Paloma (Mon Confiado/Facebook)
Source: Facebook

Sa isang panayam matapos ang grand media conference ng kanyang bagong pelikulang Lilim, inamin ni Mon na hindi pa niya alam kung maipapalabas sa sinehan ang pelikula dahil sa hinihinging dokumento ng MTRCB. Ayon sa ahensya, kailangang magpasa ang producer ng pelikula ng patunay na wala itong hinaharap na kaso sa korte.

Read also

Misis ni Freddie Aguilar, bumwelta sa netizen na may malisyosong komento

Ito ay matapos maghain ng cyberlibel case si Vic Sotto laban kay Direk Darryl dahil sa pagbanggit ng pangalan nito sa teaser ng pelikula. Sa kasalukuyan, may 19 counts ng cyberlibel complaints si Darryl Yap na isinampa ni Vic sa Muntinlupa Regional Trial Court.

Sa pelikula, ginagampanan ni Mon ang papel ng talent manager ni Pepsi Paloma na si Dr. Rey dela Cruz. Kabilang din sa cast sina Gina Alajar bilang Charito Solis, Shamaine Buencamino bilang ina ni Pepsi, at Rosanna Roces bilang Divina Valencia.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bagama’t tumanggi siyang magbigay ng detalye sa istorya ng pelikula, tiniyak ni Mon na inalam muna niya ang kabuuang kuwento bago siya pumayag na gumanap sa kanyang karakter. Ipinaliwanag niya na bilang propesyonal na aktor, dapat niyang maintindihan ang istoryang kanyang gagawin, gayundin ang kanyang mga co-actors tulad nina Gina Alajar, Shamaine Buencamino, at Rosanna Roces.

Pagdating naman sa posibleng reaksyon ng ilang personalidad matapos mapanood ang pelikula, pinili ni Mon na maging maingat sa kanyang sagot. Sinabi ng aktor na hindi pa niya ito maaaring sagutin upang maiwasang ma-preempt ang anumang impormasyon na dapat manggaling mismo sa produksyon.

Read also

Kim Chiu, Kinilig sa Valentine's surprise ni Paulo Avelino

Dagdag pa niya, hindi pa niya tiyak kung gaano kalaki ang kanyang role sa pelikula, ngunit nagpapasalamat siya sa mga pumuri sa kanyang pagganap batay sa lumabas na trailer. Aniya, mahalaga ang papel ni Rey dela Cruz sa istorya, ngunit si Pepsi Paloma pa rin ang sentro ng pelikula.

Si Mon Confiado ay isang batikang aktor sa Pilipinas na kilala sa kanyang husay sa pagganap sa iba't ibang uri ng karakter, lalo na sa drama, aksyon, at suspense na mga pelikula.

Mayroon siyang mahigit dalawang dekada ng karanasan sa industriya ng showbiz at lumabas na sa maraming critically acclaimed na pelikula tulad ng Heneral Luna (2015), kung saan ginampanan niya ang papel ni Emilio Aguinaldo.

Matatandaang hindi napigilan ni Mon Confiado na ipahayag ang kanyang pagkadismaya sa isang content creator matapos gamitin ang kanyang larawan at pangalan sa isang pekeng senaryo. Sa isang post na ibinahagi ni Confiado, ipinakita niya ang galit sa ginawang kwento ng isang content creator na nagngangalang Ileiad.

Read also

Philmar Alipayo, nagbahagi ng video niyang sumasayaw; hindi pa sumasagot sa pahayg ni Derek Ramsay

Samantala, nilinaw ni Vic Sotto na wala siyang sama ng loob sa mga artistang gumanap sa pelikula tungkol kay Pepsi Paloma at tinawag niya itong "trabaho lang"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate