Regine Velasquez, naiyak sa reaksiyon ng audience sa kanyang performance
- Nakatanggap ng standing ovation si Regine Velasquez-Alcasid sa ikalawang gabi ng kanyang ‘Reset’ concert sa Samsung Performing Arts Theater, Circuit Makati
- Dinumog ng palakpakan at hiyawan ang bawat performance niya dahil sa kanyang emosyonal at makapangyarihang pag-awit
- Napaiyak si Regine habang inaawit ang ‘Leader of The Band’ bilang alay sa kanyang yumaong ama na si Tatay Gerry
- Nakipag-duet siya kay Jona sa ‘Sometime, Somewhere’ at sa kanyang ina na si Mommy Teresita Velasquez sa ‘Dancing Queen’ at ‘Dance With Me’
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Muling pinatunayan ni Regine Velasquez-Alcasid ang kanyang pagiging Asia’s Songbird matapos niyang humamig ng napakaraming standing ovation sa ikalawang gabi ng kanyang ‘Reset’ concert noong Sabado sa Samsung Performing Arts Theater, Circuit Makati.

Source: Instagram
Halos lahat ng kanyang song numbers ay dinumog ng palakpakan at hiyawan mula sa kanyang mga tagahanga. Ipinakita ni Regine ang kanyang walang kupas na husay sa pag-awit at emosyonal na pagbibigay-buhay sa bawat kanta, dahilan kung bakit siya ay isa sa pinakamagaling na storyteller sa pamamagitan ng musika.
Hindi rin napigilan ng beteranang singer ang kanyang emosyon sa mainit na pagtanggap ng audience. Ilang beses siyang napaiyak, lalo na nang kantahin niya ang ‘Leader of The Band’ na iniaalay niya sa kanyang yumaong ama, si Tatay Gerry.
Samantala, naging espesyal din ang gabing iyon sa pagganap ng kanyang guest performers. Isa si Jona sa dalawang special guests ng ‘Reset: Covers’ concert, at umani ng papuri ang kanilang duet sa ‘Sometime, Somewhere,’ isang mahirap kantahin na awitin na nilikha ng National Artist for Music na si Maestro Ryan Cayabyab.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Bukod kay Jona, nakipag-duet din si Regine sa kanyang ina na si Mommy Teresita Velasquez, o mas kilala bilang Mommy V. Magkasama nilang inawit ang ‘Dancing Queen’ at ‘Dance With Me,’ mga kantang orihinal nilang ni-record bilang mag-ina.
Sa kabila ng kanyang abalang iskedyul, hindi rin nagpahuli si Ogie Alcasid sa pagsuporta sa kanyang misis. Proud na proud niyang pinanood ang second night ng concert matapos hindi makadalo sa unang gabi na itinapat sa Valentine’s Day.
Pinatunayan ni Regine sa gabing iyon na siya pa rin ang reyna ng OPM, na may kakayahang magbigay-buhay sa mga awitin at hipnotisahin ang kanyang mga tagapakinig sa pamamagitan ng kanyang walang katulad na talento.
Si Regine Velasquez o Regina Encarnacion Ansong Velasquez-Alcasid sa totoong buhay ay kilalang mang-aawit at binansagang "Asia's Songbird." Ang kanyang kahanga-hangang husay sa pagbirit ang isa sa pinakahinahangaan sa kanya. Bukod sa pagkanta, umarte na rin siya sa ilang pelikula at isa din siyang producer.
Matapos mag-viral ang pagbabalik-tanaw ni Regine kaugnay sa nangyari bago sila nagkatuluyan ni Ogie Alcasid, naibahagi ni Cristy Fermin ang umano'y kanyang nasaksihan. Hindi lang umano isang beses nasangkot si Regine sa isyu ng pagiging 3rd party sa isang relasyon.
Ipinahayag ni Asia’s Songbird Regine Velasquez ang kanyang malinaw na pag-unawa sa kanyang kasalukuyang estado sa industriya ng libangan kasunod ng kontrobersya sa billing issue na nag-ugat mula sa MYX Music Awards 2024.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh