Andrea Brillantes, wala na sa Star Magic, parte na ng talent management ni Shirley Kuan

Andrea Brillantes, wala na sa Star Magic, parte na ng talent management ni Shirley Kuan

- Umalis si Andrea Brillantes sa Star Magic at lumipat siya sa pamamahala ng talent manager na si Shirley Kuan

- Tinawag ni Andrea na isang bagong era ang kanyang paglipat sa bagong management at umaasa siyang magiging matagumpay ito

- Mananatili siyang Kapamilya at malapit na siyang mapanood sa teleseryeng FPJ’s Batang Quiapo bilang bahagi ng kanyang bagong proyekto

- Kinumpirma ng kanyang dating handler sa Star Magic na si Gidget dela Cuesta na wala na sa kanila ang aktres

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Opisyal nang iniwan ni Andrea Brillantes ang Star Magic at ngayon ay nasa pangangalaga na ng kilalang talent manager na si Shirley Kuan. Ang paglipat na ito ay bahagi ng bagong yugto sa kanyang karera na tinawag niyang isang "bagong era."

Andrea Brillantes, wala na sa Star Magic, parte na ng talent management ni Shirley Kuan
Andrea Brillantes, wala na sa Star Magic, parte na ng talent management ni Shirley Kuan (@blythe/Instagram)
Source: Instagram

Si Shirley Kuan ay kilala bilang manager ng mga batikang artista tulad nina Bea Alonzo at Albert Martinez. Sa isang panayam kay MJ Felipe ng ABS-CBN News, ibinahagi ni Andrea ang kanyang pananaw sa pagbabago sa kanyang professional life.

Read also

Bardagulan nina Boobay at Karen delos Reyes sa 'Extra Challenge', hindi scripted ayon kay Boobay

“Different era for me, sana maging super blessed itong new era na ito,” ani Andrea.

Dagdag pa niya, marami siyang pinagkakaabalahan ngayon kasabay ng kanyang bagong pamamahala. “Nagsasabay-sabay lahat, bagong show, bagong management, tapos magtu-twenty two [years old] na rin ako. So talagang ang daming room for exploration.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bagamat hindi ipinaliwanag ni Andrea ang dahilan ng kanyang pag-alis sa Star Magic, nilinaw niyang mananatili siyang bahagi ng ABS-CBN. Malapit na rin siyang mapanood sa hit teleseryeng FPJ’s Batang Quiapo, na tinawag niyang isang "great opportunity."

Samantala, kinumpirma naman ng kanyang dating handler sa Star Magic na si Gidget dela Cuesta sa editor na si Jun Lalin na wala na sa kanila si Andrea. Patuloy namang inaabangan ng kanyang mga tagahanga ang mga susunod niyang proyekto sa ilalim ng bagong management.

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga kontrabida role kagaya ng kanyang pagganap bilang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Read also

Kasambahay ni Ellen Adarna, pinagtanggol si Pernilla Sjoo sa isyu nina Andi at Philmar

Nagbigay ng paalala ang kampo ng aktres sa gitna ng natatanggap nito na pambabatikos. Kaugnay ito sa spliced video na ginagamit umano sa kasalukuyan sa mapanirang paraan at ginagamit nang wala sa konteksto. Ito ay ang pahayag ni Andrea tungkol sa kanyang mga bashers na pinapakalat sa kasalukuyan sa social media. Mula ito sa kanyang vlog noong nakaraang taon kung saan binasa niya ang mga hate comments sa kanya.

Ayon kay Andrea, hindi niya sadya ang pagbe-baby talk niya na talaga namang palaging nagtetrending. Palagi siyang nababatikos noon dahil sa kanyang paraan ng pananalita. Aniya, hindi niya napapansin na ganun na siya magsalita at minsan ay nagugulat na lamang siya kapag inaasar na siya ng mga tao. Noong bata umano siya ay kulang umano siya sa pansin kahit bunso siya at hindi siya lumaki sa mga magulang niya. Nababago lang umano niya ito kapag nasa trabaho siya at may role siyang kailangang gampanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate