RR Enriquez, may reaksyon sa pag-aayos nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo
- Nagbigay ng pabirong reaksyon si RR Enriquez sa pag-aayos nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo matapos ang lumabas na espekulasyon tungkol sa kanilang relasyon
- Maraming netizens ang natawa at sumang-ayon sa sinabi ni RR na tinawag na "marupok" si Andi matapos ang kanyang mga cryptic post sa Instagram
- Kinumpirma ni Philmar na maayos na sila ni Andi at sinabi niyang dapat ay pribadong hinarap ang kanilang hindi pagkakaunawaan
- Lumabas ang isyu matapos mapansin ng netizens na hindi na naka-follow sa isa’t isa sina Andi at Philmar sa Instagram habang may mga makahulugang post si Andi
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Patuloy pa ring mainit sa social media ang isyu sa pagitan nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo matapos mapansin ng netizens ang kanilang hindi na pagkaka-follow sa isa’t isa sa Instagram. Sa kabila ng mga haka-haka, kinumpirma ni Philmar kamakailan na nagkaayos na sila ni Andi matapos ang napabalitang hindi pagkakaunawaan.
![RR Enriquez, may reaksyon sa pag-aayos nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo RR Enriquez, may reaksyon sa pag-aayos nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo](https://cdn.kami.com.ph/images/1120/5b60333e224d0fdd.jpeg?v=1)
Source: Instagram
Kaugnay nito, nagbigay ng reaksyon si RR Enriquez sa biglaang pag-aayos ng dalawa. Sa kanyang social media post, pabirong sinabi ni RR:
"Ano ba yarn? We are so INVESTED pa naman😩 Marupok talaga ang mga babae😩😅 Marupok ka Andi😩 CHERET labyu🤣🤣🤣😅🫶❤️❤️ Basta if something happened ulit mag-post ka lang and we are here to attack."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Marami ang natawa sa naging pahayag ni RR, lalo na ang mga netizens na umamin ding naging invested sa isyu nina Andi at Philmar. May ilan namang sumang-ayon sa kanyang sinabi at tinawag na "marupok" si Andi matapos ang kanyang mga cryptic post na nagpa-usbong ng espekulasyon tungkol sa kanilang relasyon.
Matatandaang nagbigay ng sunod-sunod na makahulugang post si Andi sa kanyang Instagram Stories, kung saan binanggit niya ang "year of the snake" at ang konsepto ng isang "wolf in sheep’s clothing." May mga netizens na nag-ugnay dito sa isang posibleng pagtataksil o hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila ni Philmar.
Sa kabila ng isyu, tila pinili nina Andi at Philmar na ayusin ang kanilang relasyon nang pribado. Ayon kay Philmar sa kanyang post:
"It all went way too far and should have been handled in private 🙏🏽 Ok na kami, sana ok ra kami."
Sa ngayon, patuloy na inaabangan ng publiko kung may ilalabas pang bagong detalye ang magkasintahan tungkol sa kanilang relasyon.
Si Andi Eigenmann ay isang, product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak siya ng award-winning aktres na si Jaclyn Jose at Mark Gil.
Marami ang natuwa sa video na binahagi ni Andi sa kanilang YouTube channel kung saan binahagi niya ang kanilang bonding moment kasama ang mga anak na sina Ellie, Lilo at Koa sa kanilang bakuran. Gumawa sila ng kanilang DIY experiment na rocketship at makikita ang tuwa sa kanilang mga mukha sa simpleng libangan nila. Marami ang lalong humanga sa simpleng kasiyahan ng mag-iina sa kanilang bahay sa Siargao.
Samantala, ayon kay Gabby Eigenmann, nasa plano daw na dadalhin sa Siargao ang abo ni Jaclyn Jose pero hindi pa daw ito kumpirmado. Nabanggit daw ni Andi na 'Uwi na tayo Nanay' at aniya ay maraming pwedeng maging ibig sabihin ito. Hindi daw niya makalimutan ang sinabing ito ni Andi na umantig din maging sa mga taong nakarinig niyon. Aniya, ang bagay na hindi niya makakalimutan sa kanyang Tita Jane ay ang pagiging ina nito sa kanyang mga anak.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh