Andi Eigemann, nag-react sa komento tungkol sa IG story niyang matingkad na pink ang background

Andi Eigemann, nag-react sa komento tungkol sa IG story niyang matingkad na pink ang background

- Binahagi ni Andi Eigenmann ang convo niya at ng isang kaibigan kung saan pinayuhan siya na huwag na gumamit ng bright pink sa kanyang Instagram stories

- Aminado naman si Andi na hindi niya alam na pwede raw palang palitan ang kulay ng background

- Natawa silang parehas kaugnay dito dahil sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan ng mag-asawang Andi at Philmar Alipayo ay tila pinagkatuwaan ng netizens ang IG stories ni Andi

- Marami sa mga netizens ang nagsabing mahirap basahin at makichismis sa post ni Andi dahil masakit sa mata ang kulay

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa gitna ng mga usap-usapan tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan nila ng asawang si Philmar Alipayo, natawa na lang si Andi Eigenmann sa isang komentong natanggap niya tungkol sa kulay ng kanyang Instagram story.

Andi Eigemann, nag-react sa komento tungkol sa IG story niyang matingkad na pink ang background
Andi Eigemann, nag-react sa komento tungkol sa IG story niyang matingkad na pink ang background (PHOTO: @andieigengirl/Instagram)
Source: Instagram

Ibinahagi ng aktres at content creator ang palitan nila ng mensahe ng isang kaibigan na nagpayo sa kanya na huwag gumamit ng matingkad na pink bilang background ng kanyang IG stories. Aminado naman si Andi na hindi niya alam na maaari palang palitan ang kulay nito.

Read also

Driver ni Ivana Alawi, naiyak dahil sa intense na prank ng amo

"Di ako marunong pwede pala pili color," ani Andi, na ikinatawa rin ng kanyang kausap. Sa kabila ng mga seryosong isyung kinakaharap ng kanilang pamilya, tila ito ang napansin at pinagtatawanan ngayon ng netizens.

Ayon sa ilang netizens, hirap silang basahin at makisabay sa latest chika ni Andi dahil masakit sa mata ang matingkad na pink na background ng kanyang IG story. "Andi, paki-dark mode naman next time, hirap kami makichismis," pabirong komento ng isang netizen.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang usap-usapan ngayon sa social media ang tila hindi na pagkaka-follow nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo sa isa’t isa sa Instagram. Napansin ito ng mga netizens matapos mag-post si Andi ng sunod-sunod na cryptic messages sa kanyang Instagram Stories, na tila may kinalaman sa isang hindi malinaw na isyu sa kanyang buhay personal.

Isa sa mga naging makahulugang post ni Andi ay, "I just found out it's the year of the snake!! I thought it was the year of the wolf in sheep's clothing!" Bukod dito, ibinahagi rin niya ang isang tanong na kanyang ipinaabot sa ChatGPT tungkol sa isang isyu sa pagitan ng isang "life partner" at isang kaibigan, na ayon sa kanya ay nagbigay ng validation sa kanyang nararamdaman.

Read also

Claudine Barretto, binalaan ang mga fans tungkol sa "red flags" sa pagkakaibigan

Isa pang post ang nagbigay ng mas maraming espekulasyon sa publiko: "Or but also maybe she could be thinking 'You said you were broken up and he said you went crazy for having feelings, so I'd be on his side 100% cus I don’t give a f** about you or your little children! Cus you crazy and I'm most definitely not doing this because I'm actually toxic af!' But maybe that's just me... Since I'm the crazy one!"*

Si Andi Eigenmann ay isang, product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak siya ng award-winning aktres na si Jaclyn Jose at Mark Gil.

Marami ang natuwa sa video na binahagi ni Andi sa kanilang YouTube channel kung saan binahagi niya ang kanilang bonding moment kasama ang mga anak na sina Ellie, Lilo at Koa sa kanilang bakuran. Gumawa sila ng kanilang DIY experiment na rocketship at makikita ang tuwa sa kanilang mga mukha sa simpleng libangan nila. Marami ang lalong humanga sa simpleng kasiyahan ng mag-iina sa kanilang bahay sa Siargao.

Read also

Philmar Alipayo, binahagi sa IG story ang kanyang komento sa gitna ng kontrobersiya

Samantala, ayon kay Gabby Eigenmann, nasa plano daw na dadalhin sa Siargao ang abo ni Jaclyn Jose pero hindi pa daw ito kumpirmado. Nabanggit daw ni Andi na 'Uwi na tayo Nanay' at aniya ay maraming pwedeng maging ibig sabihin ito. Hindi daw niya makalimutan ang sinabing ito ni Andi na umantig din maging sa mga taong nakarinig niyon. Aniya, ang bagay na hindi niya makakalimutan sa kanyang Tita Jane ay ang pagiging ina nito sa kanyang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate