Babae sa Siargao na ni-link kay Philmar Alipayo, nagsalita na ukol sa mga chismis
- Tila nagsalita na ang babaeng umano'y nali-link ngayon kay Philmar Alipayo
- Si Philmar ang partner ng dating aktres na si Andi Eigenmann
- Matatandaang kamakailan, sunod-sunod ang cryptic post ni Andi gayundin ni Philmar
- Nag-unfollow na rin ang dalawa sa isa't isa na agad na napansin ng mga netizens
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagsalita na umano ang babae sa Siargiao na nali-link umano kay Philmar Alipayo.
![Babae sa Siargao na ni-link kay Philmar Alipayo, nagsalita na ukol sa mga chismis Babae sa Siargao na ni-link kay Philmar Alipayo, nagsalita na ukol sa mga chismis](https://cdn.kami.com.ph/images/1120/d26844d49464c091.jpeg?v=1)
Source: Facebook
Matatandaang ilang araw na ring may cryptic post sina Philmar at partner nitong si Andi Eigenmann.
Isa nga sa mga post ni Andi ay isang salaysay ng kung ano ang kanyang mga pinatutungkulan sa mga naunang post.
Samantala, ibinahagi ng Inquirer.net ang umano'y naging pahayag ng babaeng naiuugnay ngayon kay Philmar.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"We're all going through something . Can we at least try to be kinder to one another naman? If you will be kind to me, and I assure you that I'll be kinder to you. Never judge someone without knowing the whole story. You may think you understand, but you don't"
![Philmar and Andi issue Philmar and Andi issue](https://cdn.kami.com.ph/images/1120/e03e279329acf20b.jpeg?v=1)
Source: Facebook
Si Andi Eigenmann ay isang product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak siya ng award-winning aktres na si Jaclyn Jose at Mark Gil. Nang makarelasyon ang pro-surfer na si Philmar Alipayo, pinili ni Andi na mamuhay sa Siargao kung saan sila bumuo ng pamilya. Taong 2020 nang ma-engage sina Andi at Philmar.
Kamakailan ay inulan ng kontrobersiya ang relasyon nina Andi at Philmar nang mapansin ng netizens na naka-unfollow na umano ang dalawa sa isa't isa. Sinundan pa ito ng cryptic post hindi lamang ni Andi kundi maging si Philmar ay mayroon din. Karamihan ng mga crypstic post na ito ni Andi ay tungkol umano sa ahas at sa umano'y nagbabalat kayo. Kalaunan ay isinalaysay na rin ni Andi ang mga detalye ng umano'y tinutukoy niya sa halos sunod-sunod na post sa kanyang Instagram. Labis itong gumulantang sa publiko sa pag-aakalang tahimik na namumuhay sa Siargao ang "Happy Islanders" na lalong minahal ng netizens noong pandemic dahil sa mga video na kanilang naibabahagi na ang kadalasang nilalaman ay ang kanilang payak na pamumuhay malayo sa dating buhay ni Andi sa pagiging isang artista na mula pa sa respetadong pamilya sa showbiz.
Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na mayroong na-link kay Philmar. Matatandaang noon lamang nakaraang taon 2024, minsang nag-viral ang isang video kung saan mapapansing tila nakainom si Philmar habang may kausap na isang babae. Nabigyan ito ng ibang kulay ng publiko dahil sa umano'y mga tingin at paglapit ni Philmar habang nakikipag-usap sa babae. Matatandaan din na hindi nagtagal ay nagbigay reaksyon si Andi ukol dito kung saan nasabing maaring lumabas at uminom si Philmar maging ang makipag-usap sa iba ay wala umanong problema. Aniya, ang hindi maganda ay ang pag-edit ng larawan man o video na gagawing negatibo ang anggulo para lamang makakuha ng atensyon sa social media.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh