DJ Koo, nag-post sa pagdiriwang ng wedding anniversary nila ni Barbie Hsu

DJ Koo, nag-post sa pagdiriwang ng wedding anniversary nila ni Barbie Hsu

  • Pumanaw ang Taiwanese actress na si Barbie Hsu bago pa man ang ikatlong anibersaryo ng kanyang kasal kay DJ Koo
  • Nagparehistro ng kasal ang mag-asawa sa South Korea noong 8 Pebrero 2022 matapos ang maraming taon ng pagkakahiwalay
  • Nagpahayag si DJ Koo ng kanyang kalungkutan sa social media at nag-post ng mensaheng “영원히 사랑해” na nangangahulugang “I will love you forever”
  • Labis na nagdadalamhati ang pamilya, mga kaibigan, at tagahanga sa biglaang pagpanaw ng aktres

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Isang napakalungkot na balita ang bumalot sa mundo ng entertainment sa Taiwan matapos ang pagpanaw ng sikat na aktres na si Barbie Hsu. Kasabay ng ikapitong araw ng kanyang pagluluksa, ginugunita rin ngayong araw ang ikatlong anibersaryo ng kanyang kasal sa South Korean DJ at musikero na si DJ Koo.

DJ Koo, nag-post sa pagdiriwang ng wedding anniversary nila ni Barbie Hsu
DJ Koo, nag-post sa pagdiriwang ng wedding anniversary nila ni Barbie Hsu (PHOTO: @djkoo/Instagram)
Source: Instagram

Ang dalawa, na nagkabalikan matapos ang mahabang panahon ng pagkakahiwalay, ay nagparehistro ng kanilang kasal sa South Korea noong 8 Pebrero 2022. Ang hindi inaasahang pagpanaw ni Barbie Hsu ay dumating ilang araw bago ang kanilang nakatakdang wedding anniversary celebration, dahilan upang magluksa hindi lamang ang kanyang pamilya, kundi maging ang kanyang mga kaibigan at tagahanga.

Read also

Frenchie Dy, emosyonal na binahagi ang tungkol sa kanyang ikatlong Bell's Palsy attack

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

DJ Koo, nag-post sa pagdiriwang ng wedding anniversary nila ni Barbie Hsu
DJ Koo, nag-post sa pagdiriwang ng wedding anniversary nila ni Barbie Hsu (@djkoo/Instagram)

Ngayong araw, ipinahayag ni DJ Koo ang kanyang matinding hinagpis sa pamamagitan ng isang post sa social media. Nagbahagi siya ng isang screenshot na iniaalay sa kanyang yumaong asawa at itinag ang social media account nito bilang pagpupugay sa kanyang alaala. Kalakip ng post ang mensaheng nakasulat sa Koreanong “영원히 사랑해” na nangangahulugang “I will love you forever,” isang simpleng ngunit makabagbag-damdaming pahayag ng kanyang pagmamahal kay Barbie Hsu.

Labis ang lungkot na nadarama ng maraming tagahanga ng aktres, na nakilala sa kanyang husay sa pag-arte at hindi matatawarang kontribusyon sa industriya ng entertainment sa Taiwan. Patuloy na bumuhos ang pakikiramay mula sa mga kasamahan niya sa industriya at mga tagahanga na hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap ang kanyang biglaang pagpanaw.

Sa nauna niyang post, naglabas ng pahayag si DJ Koo kaugnay ng mga maling balita na kumakalat matapos ang pagpanaw ng kanyang asawang si Barbie. Ayon kay Gu Junye, "My angel went back to heaven on February 2, 2025. Firstly, I would like to express my deepest gratitude to the many people who are mourning for Hee Won. I'm going through a time of indescribable sorrow and pain where the windows are on the verge of falling the creator. I don't have the strength to say anything and I don't want to."

Read also

Dindo Balares, nagbahagi ng update tungkol sa lagay ng kalusugan ni Kris Aquino

Si Barbie Hsu ay naunang ikinasal sa Chinese entrepreneur na si Xiaofei noong 16 November 2010 sa isang civil ceremony sa Beijing. Pinakanakilala siya nang gumanap siya Sancai sa 2001 television series na Meteor Garden kung saan naitambal siya kay Jerry Yan.

Nang dumating sa Taoyuan Airport nitong Pebrero 3 ang dating asawa ni Barbie at asawa nito, makikitang labis na apektado si W^ng. Sa harap ng media, pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay at malalim na yumuko bilang tanda ng respeto, sabay pakiusap sa mga mamamahayag na maging mahinahon sa pagbabalita tungkol kay Barbie.

Binahagi ni Janet Chia ang emosyonal na post bilang pamamaalam kay Barbie Hsu. Inilarawan ni Janet ang kanyang labis na kalungkutan at ang mga huling sandali nila. Ipinahayag ni Janet ang hirap nilang tanggapin ang biglaang pagkawala ni Barbie . Nagmungkahi si Janet na magbigay ng higit pang espasyo at pagmamahal sa pamilya ni Barbie.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate