Mga Abo ni Barbie Hsu, naiuwi na ng kanyang pamilya sa Taiwan

Mga Abo ni Barbie Hsu, naiuwi na ng kanyang pamilya sa Taiwan

  • Naiuwi ng pamilya ni Barbie Hsu ang kanyang mga abo sa Taiwan ngayong Pebrero 5 matapos ang kanyang pagpanaw dahil sa influenza-related pneumonia habang nagbabakasyon sa Japan
  • Kasama sa pagbabalik ng kanyang mga abo sa Taiwan ang kanyang ina na si Huang Chun-lan, kapatid na si Dee Hsu, at asawang si DJ Koo sakay ng isang pribadong charter flight mula Tokyo patungong Taipei
  • Nagpaabot ng pakikiramay ang malalapit na kaibigan ni Hsu sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang mga alaala kasama siya, kabilang ang huling litrato niya kasama si Koo na ibinahagi ni Lin Huei-chin
  • Dumating sa Taiwan ang dating asawa ni Hsu na si WangXiaofei at nagpahayag ng pangungulila, ngunit inakusahan siya ng dating kasintahan na si Zhang Yingying ng paggamit sa trahedya upang mapabuti ang kanyang imahe

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Naiuwi na ng pamilya ni Barbie Hsu ang kanyang mga abo sa Taiwan ngayong Pebrero 5 ng hapon, ayon sa mga ulat ng media sa naturang bansa.

Read also

Sandara Park, nagbigay-pugay kay Barbie Hsu: "We will always remember you"

Mga Abo ni Barbie Hsu, naiuwi na ng kanyang pamilya sa Taiwan
Mga Abo ni Barbie Hsu, naiuwi na ng kanyang pamilya sa Taiwan (@hsushiyuan/Instagram)
Source: Instagram

Pumanaw ang Taiwanese actress sa edad na 48 noong Pebrero 2 matapos siyang tamaan ng influenza-related pneumonia habang nagbabakasyon kasama ang kanyang pamilya sa Japan. Kalaunan ay isinailalim siya sa cremation sa naturang bansa.

Sa eksklusibong footage na nakuha ng Taiwanese newspaper na Liberty Times, makikita ang urn na naglalaman ng mga abo ni Hsu habang iniaangat ito mula sa Tokyo’s Haneda Airport patungong Taiwan sakay ng isang VistaJet private charter flight. Lumapag ito sa Taipei Songshan Airport bandang alas-3 ng hapon ng parehong araw.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon sa ulat ng The Straits Times, kasama ng kanyang mga abo sa pagbabalik sa Taiwan ang ina ni Hsu na si Huang Chun-lan, ang nakababatang kapatid niyang si Dee Hsu, at ang kanyang asawang si DJ Koo, isang South Korean musician.

Patuloy namang nagdadalamhati ang mga kaibigan ni Hsu, na nagbahagi ng mga alaala kasama siya. Isa sa mga huling pampublikong pagdalo ni Hsu ay noong Enero 25 sa isang homecoming banquet kasama si Koo upang ipagdiwang ang kasal ng anak ng Taiwanese TV producer na si WangWei-chung.

Read also

Cristine Reyes, nag-react matapos mag-viral ang kanyang post tungkol kay Barbie Hsu

Dumating naman sa Taiwan noong Pebrero 3 ang dating asawa ni Hsu na si WangXiaofei matapos mabalitaan ang pagpanaw nito. Noon ay nasa Thailand si W^ng kasama ang kanyang bagong asawa na si Mandy Ma at kanilang mga ina.

Nakuha ng media ang mga video at larawang nagpapakita kay W^ng na bumalik sa kanyang inuupahang tahanan sa Taipei habang umaambon. Bago siya pumasok sa bahay, taos-puso siyang yumuko bilang respeto sa mga mamamahayag.

Si Barbie Hsu ay kinilala sa kanyang pagganap bilang Shan Cai sa Meteor Garden, ang Taiwanese adaptation ng Boys Over Flowers, na naging isang global phenomenon noong early 2000s. Maraming Pilipino ang lumaki at nahumaling sa serye, kaya’t ang pag-awit ni Josh Santana ng Tagalog na bersyon ng kanta ay nagdulot ng emosyonal na pagkakaisa sa mga tagahanga ng yumaong aktres.

Nang dumating sa Taoyuan Airport nitong Pebrero 3 ang dating asawa ni Barbie at asawa nito, makikitang labis na apektado si W^ng. Sa harap ng media, pinagsalikop niya ang kanyang mga kamay at malalim na yumuko bilang tanda ng respeto, sabay pakiusap sa mga mamamahayag na maging mahinahon sa pagbabalita tungkol kay Barbie.

Read also

Ex-Husband ni Barbie Hsu, emosyonal na bumalik sa Taiwan

Binahagi ni Janet Chia ang emosyonal na post bilang pamamaalam kay Barbie Hsu. Inilarawan ni Janet ang kanyang labis na kalungkutan at ang mga huling sandali nila. Ipinahayag ni Janet ang hirap nilang tanggapin ang biglaang pagkawala ni Barbie . Nagmungkahi si Janet na magbigay ng higit pang espasyo at pagmamahal sa pamilya ni Barbie.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: