KathNiel, nag-uusap na umano ayon sa source ni Cristy Fermin
- Nakarating kay Cristy Fermin na nag-uusap na 'di umano sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla
- Isa umanong malapit kay Kathryn ang nagsabing may komunikasyon na ang KathNiel
- Matatandaang mahigit isang taon na ang nakararaan nang halos sabay na kumpirmahin ng KathNiel ang kanilang hiwalayan
- Kasalukuyang mapapanood si Daniel sa seryeng Incognito habang si Kathryn naman ay gumawa muli ng ingay matapos na maging top grosser muli ang pelikula nilang Hello Love Again
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nakarating umano kay Cristy Fermin na nagkakausap na 'di umano sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
""Meron po kaming mga impormanteng hindi nanununog at nangunguryente na nagpaabot sa amin ng impormasyon na nag-uusap na raw po ngayon si Daniel Padilla at si Kathryn Bernardo."
"Pero ito po ay pupwedeng i-deny ni Daniel at ni Kathryn at pwede rin naman po nilang panindigan kung totoong naganap ito."
Ayon pa kay Cristy, best friend ni Kathryn ang nagsilibing tulay sa sinasabing pag-uusap ng dalawa.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Ang bridge, hindi po namin babanggitin ang pangalan ng best friend ni Kathryn Bernardo na malapit kay Daniel Padilla pero siya pala ang nag-uugnay sa dalawa."
Gayunpaman, tanging sina Kathryn at Daniel lamang ang makakukumpirma kung totoong nagkakausap na silang dalawa makalipas ang mahigit isang taon mula nang isapubliko nila ang kanilang hiwalayan.
Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Cristy mula sa kanyang Showbiz Now Na! YouTube channel:
Si Kathryn Bernardo ay isa sa mga sikat na aktres sa Pilipinas na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang kanilang tambalan bilang "KathNiel."
Muling nasungkit ng pelikula nina Kathryn at Alden Richards ang highest grossing film sa Pilipinas sa pelikula nilang Hello Love Again na napanood noong 2024. Matatandaang naungusan ng Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang Hello Love Again ng KathDen subalit makalipas lamang ang halos isang taon, nabawi muli nila ang nasabing trono.
Samantala, balik telebisyon naman si Daniel Padilla na kabilang sa serye na Incognito. Kasama ni Daniel sa nasabing teleserye sina Ian Veneracion, Baron Geisler, Kaila Estrada, tambalang Anthony Jennings at Maris Racal gayundin si Richard Gutierrez.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh