Regine, ipinaliwanag ang tungkol sa madalas gayahin sa kanya ng impersonators

Regine, ipinaliwanag ang tungkol sa madalas gayahin sa kanya ng impersonators

  • Aminadong natutuwa si Regine Velasquez sa kanyang mga impersonators
  • Lalo na ang paggaya maging sa kanyang mannerisms tulad ng kanyang eye movement
  • Ipinaliwanag ni Regine na hindi niya napapansin na nagagawa niya ito at kung bakit niya ito nagagawa
  • Naikwento rin ni Regine ang tungkol sa isa sa mga kilalang impersonators niya na si Anton Diva na isa ring fan at todo ang suporta sa kanya

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Nausisa ni Ogie Diaz si Regine Velasquez tungkol sa mga impersonators nito partikular na ang paggaya sa kanyang eye movement.

Regine ad Zaragine
Regine, ipinaliwanag ang tungkol sa madalas gayahin ng kanyang impersonators (@zaraginecapalad)
Source: Instagram

Ani Regine, hindi niya ito napapansin hanggang sa mapanood ang mga impersonators niya na ginagaya ito.Ani Regine, hindi niya ito napapansin hanggang sa mapanood ang mga impersonators niya na ginagaya ito.

"I wasn't even aware that I was doing it. Syempre naging aware nalang ako ngayon kasi sa mga impersonators kasi lagi nilang ginagawa."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Paglilinaw ng nag-iisang Asia's Songbird, nagagawa niya ito upang isaaayos ang kanyang pilikmata.

Read also

Darryl Yap, naglabas ng pahayag kasunod ng paglilinaw ng MTRCB

"Pero alam mo, tawang-tawa ako!" ani Regine na hindi umano nao-offend tuwing may gumagaya sa kanya. Katunayan, binibigyan pa niya ng pagkakataong makilala ang mga ito.

Tulad na lamang ng isa sa mga kilalang impersonators niya na si Anton Diva na napalapit na rin kay Regine. Bukod kasi sa paggaya sa kanya, todo ang suporta nito sa kanya na present sa halos lahat ng kanyang concerts maging mall shows.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Regine mula sa Ogie Diaz YouTube:

Si Regine Velasquez o Regina Encarnacion Ansong Velasquez-Alcasid sa totoong buhay ay kilalang mang-aawit at binansagang "Asia's Songbird." Ang kanyang kahanga-hangang husay sa pagbirit ang isa sa pinakahinahangaan sa kanya. Bukod sa pagkanta, umarte na rin siya sa ilang mga pelikula at isa din umano siyang producer.

Masaya ang fans ni Regine nang maging host din ito ng 'Magandang Buhay' kasama sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros-Francisco kung saan napapanood nila ito noon, araw-araw.

Read also

Regine, nilinaw ang paglublob umano sa kanya sa drum ng kanyang ama

Matatandaang inamin ni Regine na siya umano'y nahihiya nang mabalitaang mayroon umanong petisyon na gawin siyang national artist. Aniya, marami pa umanong nararapat na mauna nitong bigyan at hiling niyang maigawad ito habang nabubuhay pa ang mga taong natukoy niya.

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz kamakailan, naikwento nito ang matinding dinaranas sa tuwing sinusumpong siya ng kanyang karamdaman.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica