Regine, ibinahagi ang tungkol sa sakit: "It's very very painful"
- Idinetalye ni Regine Velasquez Alcasid ang tungkol sa matinding pinagdaraanan sa kanyang sakit
- Hindi umano kinakaya ng basta gamot lamang ang sakit na tumatagal pa ng isa hanggang dalawang linggo
- Dumating pa umano ang panahon na isang buwan niya itong iniinda at aminadong hindi na halos niya ito kinakaya
- Nabanggit niya ang ilan pang mga artista na nakararanas din ng kanyang karamdaman
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, nai-detalye ng nag-iisang Asia's Songbird na si Regine Velasquez ang tungkol sa kanyang karamdaman.
Nilarawan niya itong 'very very painful' lalo na at tumatagal pa minsan isa ng isa hanggang dalawang linggo at ang pinakamatindi umano ay isang buwan.Nilarawan niya itong 'very very painful' lalo na at tumatagal pa minsan isa ng isa hanggang dalawang linggo at ang pinakamatindi umano ay isang buwan.
"I suffer from migraine. It started mga 35 years old ako. Kasi mataas 'yung tolerance ko for pain. I have never felt anything like that. 'Yung parang luluwa yung mata, yung parang matatanggal lahat ng ipin mo... Basta 'yung buong 'yan masakit," paliwanag ni Regine habang itinuturo ang bahagi ng ulo kung saan labis na nararamdaman ang sakit.
"'Yung last ko, before ako mag-menopause, one month! Every single day meron kang extreme pain"
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang masaklap pa umano sa kanyang kondisyon, hindi ito umano kinakaya ng pag-inom lamang ng gamot.
"Kasi walang pain killer na gumagana. 'Yun yung nakakainis."
Inaakala ng marami na tila OA ang mga taong nakararanas nito subalit iba umano ang sakit na kanyang nararamdaman tuwing inaatake ng migraine.
"Not a lot of people understand. So kung hindi mo pa nae-experience 'yun, hindi mo talaga maiintindihan. But for people like me and Donita, and Sunshine who experience talagang grabeng amount of pain, hindi mo maiintindihan," ani Regine na nabanggit pa ang dalawang kilalang showbiz personality na dumaranas din ng matinding migraine.
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz YouTube channel:
Si Regine Velasquez o Regina Encarnacion Ansong Velasquez-Alcasid sa totoong buhay ay kilalang mang-aawit at binansagang "Asia's Songbird." Ang kanyang kahanga-hangang husay sa pagbirit ang isa sa pinakahinahangaan sa kanya. Bukod sa pagkanta, umarte na rin siya sa ilang pelikula at isa din siyang producer.
Masaya ang mga fans ni Regine nang maging bahagi ito ng Magandang Buhay kasama nina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros-Francisco. Sa programa nilang ito unang natawag ni Regine si Melai bilang 'Asia's comedy queen'.
Matatandaang inamin ni Regine na siya umano'y nahihiya nang mabalitaang mayroon umanong petisyon na gawin siyang national artist. Aniya, marami pa umanong nararapat na mauna nitong bigyan at hiling niyang maigawad ito habang nabubuhay pa ang mga taong natukoy niya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh