Darryl Yap, sinabi raw sa korte na hindi totoong ginahasa ni Vic Sotto si Pepsi Paloma

Darryl Yap, sinabi raw sa korte na hindi totoong ginahasa ni Vic Sotto si Pepsi Paloma

- Nakapanayam sa Net25 si Atty. Enrique Dela Cruz, abogado ni Vic Sotto kaugnay sa usap ng kaso na isinampa ni Vic Sotto

- Ayon kay Atty. Dela Cruz, nagpapasalamat sila na napagbigyan sila ng korte na itigil ang pagpapalabas ng teaser kung saan direktang nababanggit ang pangalan ni Vic

- Sinabi daw umano ni Direk Darryl Yap sa korte na hindi naman totoo na ginahasa ni Vic si Pepsi

- Sa kabila ng mga bulong-bulungan na politically motivated ang pelikula, ang desisyon daw ni Vic na huwag itong patulan at mag focus na lamang sa mga facts na maaring mapapatunayan

Inamin umano ni Direk Darryl Yap sa korte na walang katotohanan ang paratang na ginahasa ni Vic Sotto si Pepsi Paloma, ayon sa panayam kay Atty. Enrique Dela Cruz, abogado ng aktor, sa Net25. Sa naturang panayam, ibinahagi ni Atty.

Darryl Yap, umamin raw sa korte na hindi totoong ginahasa ni Vic Sotto si Pepsi Paloma
Darryl Yap, umamin raw sa korte na hindi totoong ginahasa ni Vic Sotto si Pepsi Paloma (@vicsottoofficial/Instagram & Darryl Yap/Facebook)
Source: Facebook

Dela Cruz na nagpapasalamat sila na napagbigyan ng korte ang kanilang apela na itigil ang pagpapalabas ng teaser ng pelikula ni Darryl Yap. Sa teaser, direktang nababanggit ang pangalan ni Vic sa kontrobersiyal na isyu, bagay na itinuturing ng aktor na nakasisira sa kanyang reputasyon.

Read also

Darryl Yap, muling nagpasalamat: “I have been allowed to release the whole movie"

Ipinaliwanag ni Atty. Dela Cruz na sa pag-amin ni Darryl Yap, lumabas na walang batayan ang akusasyon laban kay Vic Sotto. Ang desisyon ng korte na itigil ang teaser ay isang mahalagang hakbang upang hindi maipakalat ang mali at mapanirang impormasyon sa publiko.

Samantala, nanatiling tahimik si Vic Sotto at piniling huwag patulan ang kontrobersiya sa kabila ng mga bulong-bulungan na ang pelikula ay may bahid ng political motivation.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon sa kanyang abogado, mas pinili ni Vic na magtuon sa mga bagay na maaring mapatotohanan kaysa makipagsabayan sa intriga.

Si Darryl Yap ay isang Filipino filmmaker, director, at screenwriter na kilala sa paggawa ng mga kontrobersyal na pelikula at online content. Siya ang nasa likod ng VinCentiments, isang social media platform na nagpo-produce ng short films at viral videos na kadalasang tumatalakay sa mga usapin ng buhay, lipunan, at politika.

Matatandaang nakisali ang kontrobersiyal na direktor sa mainit na sagutan ng social media personalities na sina Chloe San Jose at Sophia Delas Alas, anak ni Ai-Ai Delas Alas. Sa isang post na agad nag-viral, tila pabirong sinabi ni Yap na gusto rin niyang isali sa gulo. Aniya, “Sali niyo naman ako sa away niyo. Matapang din naman ako eh.”

Read also

Sen. Raffy Tulfo, inamin na nahuli ang sasakyan ng anak sa paggamit ng EDSA busway

Sa gitna ng patuloy na usap-usapan tungkol sa umano'y sagutan nina Chloe San Jose at Sophia Delas Alas, anak ni Ai-ai Delas Alas, nagbigay opinyon si Yap na tila pabirong sumasali sa isyu. Matatandaang nag-post si Yap ng komento, sinasabing matapang din naman siya kaya’t gusto niyang isali sa gulo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: