Melissa Mendez, proud sa kanyang katawan: "My body. Reality. Unfiltered"

Melissa Mendez, proud sa kanyang katawan: "My body. Reality. Unfiltered"

  • Ibinahagi ni Melissa Mendez sa Instagram ang larawan ng kanyang katawan na nagpapakita ng natural nitong anyo at mga pagbabago
  • Ipinaliwanag niya na dumaan sa maraming hamon ang kanyang katawan tulad ng panganganak, menopause, at pagbabawas ng timbang
  • Inamin niyang may kulubot, maluwag na balat, at stretch marks ang kanyang katawan ngunit ipinagmamalaki niya ang mga ito
  • Ibinahagi niyang masaya siya sa kanyang katawan sa kabila ng mga imperpeksiyon at itinuring itong simbolo ng lakas at tagumpay

Sa isang makabuluhang Instagram post ang ibinahagi ng aktres na si Melissa Mendez. Ang isang larawan ng kanyang sarili na nagpapakita ng kanyang katawan nang walang filter. Kasabay ng litrato, isinulat niya ang isang mensahe na nagbigay-pugay sa lahat ng pinagdaanan ng kanyang katawan sa paglipas ng panahon.

Melissa Mendez, proud sa kanyang katawan: "My body. Reality. Unfiltered"
Melissa Mendez, proud sa kanyang katawan: "My body. Reality. Unfiltered" (@melissamendez_real/Instagram)
Source: Instagram

Ani Melissa, ang kanyang katawan ay isang patunay ng lakas at katatagan. "My body. Reality. Unfiltered," panimula niya. Ibinahagi rin niya na ang kanyang katawan, na nagbigay-buhay sa tatlong anak na ngayon ay mga ganap nang adulto, ay dumaan na sa maraming pagbabago dala ng paglipas ng panahon, menopause, at matinding pagbabawas ng timbang.

Read also

Lola, natagpuang patay at hubo’t hubad sa loob ng musoleo sa Sorsogon

Inamin ng aktres na makikita sa kanyang katawan ang mga senyales ng paglipas ng panahon tulad ng maluwag na balat, kulubot, at stretch marks. Gayunpaman, hindi umano ito dahilan upang ikahiya niya ang kanyang sarili. "It is flawed. But my body isn’t complaining and grumbling," ani Melissa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa halip na tingnan ang mga ito bilang kahinaan, ipinahayag niyang masaya siya sa estado ng kanyang katawan at ipinagmamalaki ang lahat ng napagdaanan nito. "It’s happy just the way it is," dagdag pa niya.

Ang mensahe ni Melissa ay nagbigay-inspirasyon sa marami niyang tagasunod, na pumuri sa kanyang tapang at pagiging totoo. Maraming netizens ang nagsabi na ang post niya ay paalala na ang bawat marka at pagbabago sa katawan ay simbolo ng kwento, sakripisyo, at tagumpay.

Sa edad na 60, patuloy na nagpapakita si Melissa Mendez ng halimbawa ng pagtanggap at pagmamahal sa sariling katawan sa kabila ng mga pagbabago at imperpeksiyon. Isa siyang patunay na ang tunay na kagandahan ay nagmumula sa loob at sa pagtanggap ng ating sariling kuwento.

Read also

BB Gandanghari, ikinalungkot nang sabihin sa kanya ng ina, ‘Sino siya?’

Si Melissa Mendez ay isang batikang aktres sa Pilipinas na nakilala sa kanyang pagganap sa telebisyon at pelikula mula noong dekada '70. Isa siyang versatile na aktres na tumanggap ng iba’t ibang roles, mula drama hanggang komedya.

Kabilang si Lauren Young sa mga artistang nagbahagi ng post tungkol sa body positivity. Inihayag niya na madalas niyang maramdaman ang kawalang kasiyahan kahit na siya ay payat at fit noon. Sa kabila ng pagdagdag ng timbang, mas masaya at mas kumpiyansa ngayon si Lauren sa kanyang sarili.

Kamakailan, nagbahagi si Nadine Lustre ng nakamamanghang larawan sa kanyang Instagram feed. Makikita sa litrato ang kanyang fit na pangangatawan at ang produktong ineendorso niya.Habang nag-viral ang larawan, napansin din ng maraming tao kung paano niya kumpiyansang ipinakita ang kanyang stretch marks. Nagkomento ang mga netizen sa kanyang post at inihayag na na-inspire sila sa aktres

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate