Darryl Yap, binahagi ang tungkol sa umano'y pagkakaibigan nina Charito Solis at Pepsi Paloma

Darryl Yap, binahagi ang tungkol sa umano'y pagkakaibigan nina Charito Solis at Pepsi Paloma

  • Nagbahagi si Darryl Yap ng kuwento tungkol sa pagkakaibigan nina Charito Solis at Pepsi Paloma
  • Sinabi niyang si Charito ang naging sandalan ni Pepsi sa mga problema nito sa showbiz
  • Ibinunyag na si Charito ang tumubos at nag-asikaso ng bangkay ni Pepsi matapos ang pagpanaw nito
  • Binigyang-diin ni Darryl ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang tulad ni Charito Solis sa buhay ng bawat isa

Usap-usapan ang isang post ng direktor na si Darryl Yap kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang "Charito Solis" sa buhay ng bawat isa. Sa kanyang post, ibinahagi niya ang hindi gaanong kilalang kuwento ng pagkakaibigan nina Charito Solis at Pepsi Paloma, na aniya’y higit pa sa ugnayan ng magkapwa-artista.

Darryl Yap, binahagi ang tungkol sa umano'y pagkakaibigan nina Charito Solis at Pepsi Paloma
Darryl Yap, binahagi ang tungkol sa umano'y pagkakaibigan nina Charito Solis at Pepsi Paloma (PHOTOS: Darryl Yap/Facebook)
Source: Facebook

Ayon kay Darryl, si Charito ang naging sandalan at hingahan ni Pepsi sa mga problema nito sa industriya ng showbiz. Bagamat nagkaroon sila ng tampuhan at hindi nag-usap nang ilang taon, hindi ito naging hadlang para kay Charito na tumulong sa huling sandali ng buhay ni Pepsi.

Read also

BB Gandanghari, ikinalungkot nang sabihin sa kanya ng ina, ‘Sino siya?’

Ikinuwento rin ni Darryl na si Charito, kasama si Jaclyn Jose, ang tumungo sa morgue matapos mabalitaan ang pagpanaw ni Pepsi. Sa kabila ng presensya ng mga kaibigan at manager ni Pepsi noong panahong iyon, si Charito ang tumubos sa bangkay ng aktres at nag-asikaso ng lahat upang maayos itong mailibing at mapaglamayan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nag-iwan ng mensahe si Darryl na "Kailangan natin ng Charito Solis sa ating buhay." Aniya, ang isang tulad ni Charito ay hindi laging naririyan, tahimik lamang, ngunit kailanman ay hindi ka iiwan, kahit sa huling bahagi ng buhay mo.

Si Darryl Yap ay isang Filipino filmmaker, director, at screenwriter na kilala sa paggawa ng mga kontrobersyal na pelikula at online content. Siya ang nasa likod ng VinCentiments, isang social media platform na nagpo-produce ng short films at viral videos na kadalasang tumatalakay sa mga usapin ng buhay, lipunan, at politika.

Matatandaang nakisali ang kontrobersiyal na direktor sa mainit na sagutan ng social media personalities na sina Chloe San Jose at Sophia Delas Alas, anak ni Ai-Ai Delas Alas. Sa isang post na agad nag-viral, tila pabirong sinabi ni Yap na gusto rin niyang isali sa gulo. Aniya, “Sali niyo naman ako sa away niyo. Matapang din naman ako eh.”

Read also

'Sampaguita Girl,' 22-anyos na first-year medical technology student ayon sa mga magulang nya

Sa gitna ng patuloy na usap-usapan tungkol sa umano'y sagutan nina Chloe San Jose at Sophia Delas Alas, anak ni Ai-ai Delas Alas, nagbigay opinyon si Yap na tila pabirong sumasali sa isyu. Matatandaang nag-post si Yap ng komento, sinasabing matapang din naman siya kaya’t gusto niyang isali sa gulo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate