Darryl Yap, matipid ang naging sagot sa press matapos ang hearing
- Pinakita ni MJ Marfori ang video ng paglabas ni Darryl Yap matapos ang hearing
- Nagharap sina Vic Sotto at Darryl sa Muntinlupa Regional Trial Court para sa writ of habeas data hearing na inihain ng kampo ni Sotto
- Ang reklamo ay nag-ugat mula sa teaser ng pelikulang "TROPP" na naglalaman ng umano’y mapanirang pahayag laban kay Sotto
- May umiiral na gag order ang korte kaya’t hindi makapagbigay ng pahayag ang magkabilang panig sa media
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Hindi na nagpaunlak ng mahabang panayam ang direktor na si Darryl Yap matapos ang hearing. Nagharap sa kauna-unahang pagkakataon sina Vic Sotto at filmmaker sa Muntinlupa Regional Trial Court ngayong Biyernes ng umaga para sa pagdinig ng writ of habeas data na inihain ng kampo ng aktor-host.
Sa video na binahagi sa Entertainment Today YouTube channel ay naging matipid ang sagot ni Darryl at agad itong sumakay sa sasakyan kaya hindi na siya masyadong nakapanayam ng press.
Kabilang sa kanyang nasagot ay kung matutuloy daw ba ang ginagawa niyang movie. Aniya, 'Dapat' matuloy ito.
Ang nasabing pagdinig ay naganap walong araw matapos maghain si Sotto ng 19 na kaso ng cyber libel laban kay Yap. Ang reklamo ay nag-ugat mula sa umano’y "malisyoso at mapanirang pahayag" sa unang teaser ng pelikula ni Yap na "TROPP" na inilabas noong Enero 1. Agad itong nag-viral dahil sa pagbanggit ng pangalan ni Sotto at ang pag-uugnay sa kanya sa yumaong '80s star na si Pepsi Paloma.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa Enero 7, naghain si Sotto ng kahilingan para sa writ of habeas data. Kung papaboran ng korte, inaatasan si Yap na tanggalin o itama ang bahagi ng teaser na tinututulan ng kampo ni Sotto.
Dumating si Yap sa korte bandang alas-otso ng umaga. “Hindi talaga ako morning person, at hindi rin ako pwedeng magsalita,” aniya sa media nang tanungin tungkol sa kaso.
Makalipas ang ilang minuto, dumating si Sotto kasama ang kanyang asawang si Pauleen Luna at ang kanyang abogado. “Pasensya na, hindi puwedeng magsalita,” ani Sotto nang tanungin tungkol sa kanyang opinyon sa kaso.
Nilinaw ng korte sa Muntinlupa na may umiiral na gag order kaugnay ng kaso, dahilan upang hindi makapagbigay ng pahayag ang dalawang panig.
Patuloy na sinusubaybayan ng publiko ang kaganapan sa kasong ito, lalo na’t muling binuhay nito ang mga kontrobersya ukol sa pangalan ni Pepsi Paloma at sa mga personalidad na nasangkot sa kanyang kaso noong dekada ’80.
Si Darryl Yap ay isang Filipino filmmaker, director, at screenwriter na kilala sa paggawa ng mga kontrobersyal na pelikula at online content. Siya ang nasa likod ng VinCentiments, isang social media platform na nagpo-produce ng short films at viral videos na kadalasang tumatalakay sa mga usapin ng buhay, lipunan, at politika.
Matatandaang nakisali ang kontrobersiyal na direktor sa mainit na sagutan ng social media personalities na sina Chloe San Jose at Sophia Delas Alas, anak ni Ai-Ai Delas Alas. Sa isang post na agad nag-viral, tila pabirong sinabi ni Yap na gusto rin niyang isali sa gulo. Aniya, “Sali niyo naman ako sa away niyo. Matapang din naman ako eh.”
Sa gitna ng patuloy na usap-usapan tungkol sa umano'y sagutan nina Chloe San Jose at Sophia Delas Alas, anak ni Ai-ai Delas Alas, nagbigay opinyon si Yap na tila pabirong sumasali sa isyu. Matatandaang nag-post si Yap ng komento, sinasabing matapang din naman siya kaya’t gusto niyang isali sa gulo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh