Richard, pinagtanggol si Barbie: "Hindi siya third party"
- Nagsalita na si Richard Gutierrez tungkol sa kanila ni Barbie Imperial
- Nilinaw din ni Richard hindi third party si Barbie sa realsyon nila noon ni Sarah Lahbati
- Naidetalye rin niya ang tungkol sa unang larawang kuha sa kanila ni Barbie na umano'y magkasama sa isang bar
- Sa ngayon, mappaanood na ang bagong teleserye na kinabibilangan ni Ricahard, ang Incognito
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si richard Gutierrez ukol sa estado ng kanilang relasyon ni Barbie Imperial.
Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, nilinaw din ni Richard ang haka-haka ng iba na si Barbie ang dahilan ng paghihiwalay nila ng misis niyang si Sarah Lahbati.Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, nilinaw din ni Richard ang haka-haka ng iba na si Barbie ang dahilan ng paghihiwalay nila ng misis niyang si Sarah Lahbati.
"'Dun muna tayo sa what you see is what you get sa amin ni Barbie. Ang gusto ko lang sigurong i-clarify doon sa mga tao, si Barbie walang kinalaman sa paghihiwalay namin ni Sarah. Hindi siya third party, hindi siya nag-overlap," paglilinaw ni Richard.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Nakilala ko si Barbie, matagal na kaming nagkahiwalay ng landas ni Sarah," dagdag pa niya.
Nausisa rin ni Ogie kung ano nga ba ang nagustuhan ni Richard kay Barbie.
"Si Barbie kasi totoong tao. What you see is what you get talaga rin sa kanya. Mabuting tao, maalaga. Nakikita mo na genuine 'yung intentions niya. Genuine 'yung pagkatao niya," ani Richard.
Samantala, nasabi rin ni Richard na ang larawang kuha sa kanila ni Barbie sa isang bar sa Alabang ang umano'y unang pagkakataon na sila ay magkasama.
Narito ang kabuuan ng pahayag kay Richard mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:
Si Richard Gutierrez o Richard Kristian Rama Gutierrez ay isang kilalang aktor, environmentalist at modelo. Isa siya sa mga anak ng batikang aktor na si Eddie Gutierrez at Anabel Rama. Ikinasal siya sa aktres na si Sarah Lahbati at nabiyayaan sila ng dalawang anak.
Kinumpirma ni Sarah na single na siya maging ang asawa nitong si Richard. Ito ay matapos ang kanyang matagal na pananahimik tungkol sa isyung hiwalay na sila. Magsalita man sa mga panayam ay naging matipid ang mga pahayag nila ni Richard simula nang lumabas ang balita tungkol sa kanilang paghihiwalay.
Samantala, mapapanood na ngayon ang kanilang bagong serye na "Incognito" kung saan makakasama niya ang ilan sa mga mahuhusay na artista ng kanilang henerasyon tulad nina Baron Geisler, Daniel Padilla, Kaila Estrada, Maris Racal at Anthony Jennings.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh