Masayang pamilya nina Melai at Jason Francisco, kinaaliwan sa kanilang version ng 'Lalala' trend
- Kinaaliwan ng netizens ang pamilya nina Melai Cantiveros at Jason Francisco sa kanilang entry sa TikTok trend na "Lalala"
- Nagbahagi si Melai ng video sa Instagram kung saan tinawag niyang "victim" si Jason dahil sa antics ng kanilang pamilya
- Nagbigay-reaksyon ang mga netizens at sinabi nilang nakakabilib kung paano kinakaya ni Jason ang tatlong Melai sa buhay niya
- Umulan ng papuri at tawa mula sa audience dahil sa natural na chemistry at humor ng pamilya Francisco
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Pinatawa at inaliw ng pamilya ni Melai Cantiveros ang mga netizens matapos sumali sa sikat na TikTok trend na "Lalala." Tampok sa video ang buong pamilya, kabilang si Jason Francisco, na tila totoo ang naging reaksyon sa kanilang nakakatuwang entry.
Sa Instagram, nagbahagi si Melai ng kanilang video na may caption na: "Me-lalalaalaSon entry of #lalalatrend. Thank u Lord sumabay ang aming laging Victim cause we April Girls are Suspect of Papangs Misery 🤔🤣🤫."
Hindi naman napigilan ng mga netizens ang magkomento ng aliw na aliw sa naturang video. Narito ang ilan sa kanilang reaksyon:
- "Need gawan ng documentary si Jason kung paano niya kinakaya ang tatlong Melai. Eme."
- “‘I’m covering my hears’ hits so hard for Papang Jason HAHAHAHAHA.”
- "Natawa na lang talaga ako... buti na lang talaga nasanay na rin si Jason."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Marami ang humanga sa pagiging game ng pamilya Francisco at sa nakakatuwang chemistry nila sa harap ng kamera. Para sa netizens, hindi lang si Jason ang nakasurvive sa tatlong Melai, kundi pati ang buong audience na tawang-tawa sa kanilang pamilya.
Si Melai Cantiveros ay kilala sa kanyang pagiging komedyante at pagiging hands-on mom, na palaging may nakakatuwang kwento tungkol sa kanyang pamilya. Ang kanilang bakasyon sa South Korea ay isa lamang sa maraming masasayang alaala na ibinabahagi ni Melai sa kanyang mga tagahanga.
Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at habambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.
Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh