Rufa Mae Quinto, emosyonal nang hingan ng mensahe para sa kanyang mga taga suporta
- Naging emosyonal si Rufa Mae Quinto matapos ang kanyang pagdinig sa Pasay Regional Trial Court at ibinahagi ang kasiyahan sa muling pagkamit ng kalayaan
- Sinabi ni Rufa Mae na ang pinakamagagandang bagay sa buhay ay ang pagiging malaya at naririnig
- Nilinaw niya na isa siyang komedyante at walang koneksyon sa anumang negosyo
- Nagpasalamat si Rufa Mae sa kanyang mga tagasuporta na patuloy na nagbibigay ng pagmamahal at tiwala
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Hindi napigilan ng aktres at komedyanteng si Rufa Mae Quinto ang maging emosyonal matapos ang kanyang pagdinig sa Pasay Regional Trial Court ngayong araw. Sa panayam ng mga reporter, ibinahagi niya ang kanyang kasiyahan sa muling pagkamit ng kalayaan.
"Naiiyak ako kasi ang sarap maging malaya... Best things in life are free and to be heard," saad ni Rufa Mae. Biro pa niya, "O 'di ba, may hearing, may heard, so maganda 'yon."
Mariing nilinaw ng aktres ang kanyang estado at koneksyon sa negosyo. “Ako po ay isang komedyante, hindi po negosyante. Kaya kahit kailan, 'di po ako nagnenego-go-go-syo kaya wala po akong negosyo, wala po akong kinalaman sa mga gano'n,” ani Rufa Mae na tila nagpapatawa ngunit puno ng sinseridad.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hinggil naman sa kanyang mensahe para sa mga tagasuporta, sinabi niyang nagpapasalamat siya sa patuloy na pagmamahal at tiwala sa kanya. “Sa lahat ng sumuporta, maraming salamat po. Ang pagmamahal ninyo ang naging lakas ko,” dagdag pa niya habang pinapahid ang luha.
Patuloy na inaasahan ng marami ang positibong pagbabalik ng aktres sa mundo ng aliwan matapos ang kanyang pagsubok.
Si Rufa Mae Quinto-Magallanes ay sumikat bilang isang Filipina actress, comedian at TV host. Nakilala siya sa kanyang kakaibang estilo ng pagpapatawa. Pinasok niya ang mundo ng showbiz nang mapabilang siya sa That's Entertainment noong 1996. Ilan sa sumikat niyang pagganap ay bilang si 'Booba' sa pelikulang Booba noong 2001 at bilang si 'Boobita Rose' sa Masikip sa Dibdib.
Matapos ang kanyang pamamalagi sa Amerika, bumalik kamakailan sa Pilipinas si Rufa Mae. Nauna siyang napasama sa UniTeam rally na talaga namang pinag-usapan. Sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas, ibinahagi niya sa kanyang social media account ang bagong bahay na kanilang tinitirhan pagbalik nila sa Pinas.
Matapos lumabas ang video ng kanyang pagkanta sa rally para kay Senator Manny Pacquiao, agad na nag-trend sa Twitter si Rufa Mae. Marami ang nawindang na makita siya sa naturang rally dahil bago ito ay naroroon din siya sa UniTeam rally ni Pangulong Bongbong Marcos. Maging si Rufa Mae ay binahagi sa kanyang Instagram story ang screenshot ng top trends sa Twitter kung saan makikita ang kanyang pangalan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh