BINI Maloi, umalma sa aniya'y fake news tungkol sa pag-uugnay sa kanila ni Rico Blanco
- Nilinaw ni BINI Maloi sa social media ang isyung iniuugnay siya kay OPM singer Rico Blanco matapos silang makita sa La Union
- Nag-viral ang isang video na nagpapakita kina Maloi at Rico na tumatawid sa kalsada habang binati ng fan ang P-pop artist
- Mariing itinanggi ni Maloi ang isyu at nanawagan na itigil ang pagpapakalat ng maling impormasyon
- Pinuna ng mga fans ang ulat ng entertainment reporter na si Jan Milo Severo, na umani ng kritisismo online
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Naglabas ng pahayag si BINI Maloi sa kanyang social media kaugnay ng kumakalat na isyu na iniuugnay siya sa OPM singer na si Rico Blanco matapos silang makita nang magkasama sa La Union.
Sa isang maikling video na naging viral, makikita sina Rico at Maloi na tumatawid sa kalsada habang binati ng isang fan ang P-pop artist.
Nitong Huwebes, Enero 9, muling ibinahagi ni Maloi ang ulat ng Philstar.com at mariing nanawagan na itigil ang pagpapakalat ng maling impormasyon.
“STOP SPREADING FAKE NEWS. PLS LANG,” saad ni Maloi.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dahil dito, umani ng batikos ang entertainment reporter na si Jan Milo Severo, at naging trending ang hashtag na “PHILSTAR APOLOGIZE TO MALOI” sa social media.
Bilang tugon, ipinaliwanag ni Severo na malinaw sa artikulo na hindi lamang sina Maloi at Rico ang magkasama sa La Union kundi may iba pang OPM singers na kasama nila.
“The article states that Maloi and Rico weren’t the only ones in La Union. The video just went viral, and since Rico and Maloi are the most popular, they were highlighted in the headline. The title was phrased as a question, and it’s good that Maloi immediately clarified. End of story,” paliwanag ni Severo.
Ang BINI ay isang kilalang P-pop girl group sa Pilipinas na binubuo ng walong miyembro. Sila ay kilala sa kanilang catchy at vibrant tracks at nagkamit ng titulo bilang "Nation’s girl group." Bukod sa kanilang mga performances at musika, hinahangaan din sila ng kanilang fans, na tinatawag na BLOOMS.
Tinalakay ni Xian Gaza ang mga miyembro ng girl group na BINI sa isang open letter. Ipinost niya ito sa kanyang Facebook account, at nakakuha ng atensyon. Gayundin, binigyang-diin ni Xian ang mga responsibilidad ng pagiging isang public figure at ang pangangailangang mag-adjust sa kanilang bagong katayuan.
Trending si Xian Gaza kasunod ng kanyang open letter para sa BINI kamakailan. Sa kanyang panibagong post, nagbigay siya ng paalala sa mga taong gustong mag-artista - Aniya, kung ayaw na pinagkakaguluhan ay huwag na mag-aartista .
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh