Rufa Mae Quinto, nanatiling masayahin sa gitna ng pinagdadaanan: "Yes, I surrender myself"
- Kinaaliwan si Rufa Mae Quinto sa isang video na kuha sa kanyang pagsuko sa NBI kaugnay sa kasong isinampa sa kanya
- Pabiro nitong sinabi na, “Hi, welcome to me in the Philippines! Yes, I surrender myself”
- Marami ang natuwa sa pagiging positibo niya sa kabila ng kanyang pinagdadaanan
- May mga nagpaabot din ng mensahe ng pagsuporta at nagsabing malalampasan din ito ni Rufa
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagbigay aliw si Rufa Mae Quinto sa publiko sa kabila ng kinakaharap niyang kaso matapos ang kanyang boluntaryong pagsuko sa National Bureau of Investigation (NBI). Sa isang video na kumakalat sa social media, pabirong sinabi ni Rufa Mae, “Hi, welcome to me in the Philippines! Yes, I surrender myself,” na ikinatuwa ng maraming netizens.
Sa kabila ng seryosong sitwasyon, pinuri ng marami ang pagiging positibo at masayahin ng komedyante. “Ang gaan pa rin niyang panoorin kahit may problema,” komento ng isang netizen.
Maraming tagahanga at kapwa artista ang nagpaabot ng suporta kay Rufa Mae, na sinabing malalampasan din nito ang kanyang pinagdadaanan. Ayon sa kanyang legal counsel, ipapakita nila sa korte ang ebidensiyang magpapatunay ng kanyang pagiging inosente sa isyu.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Rufa Mae Quinto-Magallanes ay sumikat bilang isang Filipina actress, comedian at TV host. Nakilala siya sa kanyang kakaibang estilo ng pagpapatawa. Pinasok niya ang mundo ng showbiz nang mapabilang siya sa That's Entertainment noong 1996. Ilan sa sumikat niyang pagganap ay bilang si 'Booba' sa pelikulang Booba noong 2001 at bilang si 'Boobita Rose' sa Masikip sa Dibdib.
Matapos ang kanyang pamamalagi sa Amerika, bumalik kamakailan sa Pilipinas si Rufa Mae. Nauna siyang napasama sa UniTeam rally na talaga namang pinag-usapan. Sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas, ibinahagi niya sa kanyang social media account ang bagong bahay na kanilang tinitirhan pagbalik nila sa Pinas.
Matapos lumabas ang video ng kanyang pagkanta sa rally para kay Senator Manny Pacquiao, agad na nag-trend sa Twitter si Rufa Mae. Marami ang nawindang na makita siya sa naturang rally dahil bago ito ay naroroon din siya sa UniTeam rally ni Pangulong Bongbong Marcos. Maging si Rufa Mae ay binahagi sa kanyang Instagram story ang screenshot ng top trends sa Twitter kung saan makikita ang kanyang pangalan.
Source: KAMI.com.gh