Maris at Anthony, dumalo sa Incognito fancon matapos ang isyu ng "screenshots"

Maris at Anthony, dumalo sa Incognito fancon matapos ang isyu ng "screenshots"

  • Nagpakitang magkasama sina Maris Racal at Anthony Jennings sa isang mall show para sa seryeng Incognito
  • Kasama nila sa event ang mga co-stars na sina Richard Gutierrez, Baron Geisler, Kaila Estrada, Ian Veneracion, at Daniel Padilla
  • Ito ang unang beses na magkasama sila sa publiko matapos ang kontrobersiyang dulot ng "screenshots" na inilabas ng ex-girlfriend ni Anthony
  • Umani ng positibong reaksiyon mula sa netizens ang kanilang muling paglabas, na nagpuri sa kanilang galing sa pag-arte at propesyonalismo

Halos isang buwan matapos ang kontrobersyal na paglabas ng "screenshots" na inilabas ng ex-girlfriend ni Anthony Jennings, muling nagpakitang magkasama sa publiko sina Maris Racal at Anthony Jennings. Lumahok ang dalawa sa isang mall show para sa kanilang paparating na action series na Incognito, na mapapanood na ngayon sa ABS-CBN Primetime Bida at Netflix.

Maris at Anthony, dumalo sa Incognito fancon matapos ang isyu ng "screenshots"
Maris at Anthony, dumalo sa Incognito fancon matapos ang isyu ng "screenshots" (@abscbnpr/Instagram)
Source: Instagram

Sa larawang ibinahagi ni Ganiel Krishnan, isang showbiz news reporter ng ABS-CBN, makikita ang buong cast ng Incognito na pinangungunahan nina Richard Gutierrez, Baron Geisler, Kaila Estrada, Ian Veneracion, at Daniel Padilla. Kapansin-pansin din na magkatabi sa litrato sina Maris at Anthony, ito ang unang pagkakataon na magkasama sila sa publiko mula nang magkaroon ng mediacon para sa serye.

Read also

Pelikula ni Darryl Yap, tinanggihan ni Boss Vic Del Rosario

Hindi dumalo ang dalawa sa mediacon at promotions ng pelikula ni Vice Ganda, And The Breadwinner Is..., na bahagi ng 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF). Dahil dito, umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens ang kanilang muling paglabas sa publiko.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang ilan sa mga komento:

“I don’t care about Maris’ personal issues. There’s no denying that she’s good at her craft.”

“Good job, Maris.”

“The Incognito and the cast are amazing. The acting is world class.”

“Move on, it’s 2025.”

“Maris is undeniably one of the generation’s best actresses.”

“Good to see you Maris and Jennings, leave the bashers alone for now, everything is okay.”

Patuloy na tinututukan ng mga tagahanga ang Incognito, na itinuturing na isa sa pinakamalaking proyekto ng ABS-CBN ngayong taon.

Si Anthony Michael Jennings ay isang Filipino aktor. Nakilala siya sa mainstream dahil sa kanyang papel bilang Snoop Manansala sa ABS-CBN romantic drama series na Can't Buy Me Love kasama ang kanyang on-screen partner na si Maris Racal.

Read also

Kim Chiu, pinakilig ang fans sa Dubai vlog kasama si Paulo Avelino

Hindi rin nakaligtas ang beteranong aktor na si Ian Veneracion sa kontrobersyal na issue na kinasasangkutan ng MaThon loveteam nina Maris Racal at Anthony Jennings.

Nagbigay ng opinyon si Ogie Diaz tungkol sa kontrobersyal na poster ng pelikulang And The Breadwinner Is... kung saan tampok sina Maris Racal at Anthony Jennings. Sa kanyang pahayag, iminungkahi ni Ogie na panatilihin ang larawan ni Anthony sa poster dahil ito umano ay bahagi ng proyekto at nakasama ni Maris mula simula.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate