Ilang BINI members, emosyonal nang i-surpresa sila ni Vice Ganda
- Naging emosyonal ang ilang BINI members nang surpresahin sila ni Vice Ganda
- Ito ay matapos nilang manood ng MMFF movie ni Vice Ganda na 'And the Breadwinner is'
- Hindi nila napigilang maluha sa nasabi ni vice patungkol sa koneksyon ng grupo sa mga 'breadwinner' tulad nang karakter ni Vice sa kanyang pelikula
- Samantala, magsisimula na ang world tour ng BINI matapos ang kanilang Grand BINIverse concert sa bansa sa darating na Pebrero
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naluha ang BINI members na sina Maloi, Jhoanna, Aiah at Mikha nang i-surpresa sila ni Vice Ganda sa pa-block screening nila sa pelikula nitong 'And the Breadwinner is.'
Matapos nilang mapanood ang MMFF movie ni Vice, dumating ito at bahagyang nakipagkwentuhan sa grupo.Matapos nilang mapanood ang MMFF movie ni Vice, dumating ito at bahagyang nakipagkwentuhan sa grupo.
"I’' very thankful na napanood nila. Ine-explain ko sa kanila how important it is for them to see this movie kasi napakaraming breadwinners ang kumakapit sa kanila ngayon. Dinugdugtungan nila 'yung buhay ng maraming breadwinners, nagtatanggal sila ng pagod ng napakaraming nagpapakahirap na hardworking na breadwinners kasi kino-congratulate ko silang lahat," ani vice patungkol sa BINI kaya naman hindi napigilan ng mga ito na maluha.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dahil dito, napa-request pa sa kanya ng hug sina Jhoanna at Maloi na tila hindi mapigil ang pagluha.
Narito ang kabuuan ng video na ibinahagi ng ABS-CBN News:
Ang BINI ay isang PPop girl group na sika na sikat ngayon.Binubuo ito nina Aiah, Malai, Mikah, Colet, Stacey, Gwen, Jhoanna, at Sheena. Sila ang grupo sa likod ng popular na mga awiting "Pantropiko", "Salamin," "Huwag muna tayong umuwi," "Cherry on Top" at marami pang iba.
Matapos ang matagumpay at sold-out nilang 3-day concert noong Hunyo, Sinundan naman ito ngayon ng Grand BINIverse na ginanap sa Araneta Coliseum mula Nobyembre 16, 18 at 19. At kahit pa ginawa nilang tatlong araw ang naturang konsyerto, sold out pa rin ang tickets sa mga araw na ito.
Matatandaang minsan nang napuri ni Karen Davila ang grupo. Bukod umano sa husay ng mga ito sa kanilang larangan, kahanga-hanga ang kwento ng buhay ng bawat isa bago nila matamasa ang tagumpay ngayon. Sa naturang panayam din ni Karen sa grupo, naikwento ni Sheena ang pagpanaw ng ina sa kalagitnaan ng pandemic habang siya ay nasa training Star Hunt Academy.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh