Kyle Echarri, pumalag sa mga bashers sa kanyang 'new Bela' caption
- Pumalag si Kyle Echarri sa mga bashers na nagbigay ng maling interpretasyon sa kanyang 'new Bela' caption
- Naglabas siya ng pahayag sa X upang ipagtanggol ang kanyang pamilya, lalo na ang yumaong kapatid niyang si Bella
- Hinikayat niya ang publiko na huwag idamay ang kanyang pamilya sa mga usapin at mag-focus na lang sa positibo ngayong holidays
- Nag-ugat ang isyu nang ibahagi ni Kyle ang larawan nila ni Bela Padilla na nagdiwang ng Pasko kasama ang kanilang pamilya
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Hindi na nanahimik si Kyle Echarri matapos siyang makaranas ng pambabatikos online kaugnay ng kanyang caption na "new Bela" sa larawan kasama ang aktres na si Bela Padilla. Sa kanyang social media account na X, naglabas siya ng matapang na pahayag upang ipagtanggol ang kanyang pamilya, partikular na ang kanyang yumaong kapatid na si Bella.
"Hays I was gonna stay quiet since it’s Christmas and we should be ending the year on a good note. Say all u want/think about me bahala na kayo diyan. Pero wag na wag mong idamay yung pamilya ko lalo na yung kapatid kong anghel na si Bella," ani Kyle.
Dagdag pa niya, hindi kailanman dapat kwestyunin ang pagmamahal nila ng kanyang pamilya para kay Bella. "Tsaka please… patapos na yung taon… kakatapos lang ng pasko… Masaya ka sa buhay mong ganyan ka magsalita sa buhay ng iba? Happy new years mwah mwah."
Ipinaliwanag ni Kyle na wala siyang pakialam sa sinasabi ng iba tungkol sa kanya, ngunit hindi niya maaaring palampasin ang anumang insulto laban sa kanyang pamilya. Hinikayat din niya ang lahat na magpokus na lamang sa positibong aspeto ng holidays upang matapos ang taon nang may kasiyahan.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nag-ugat ang isyu nang ibahagi ni Kyle ang isang larawan kung saan makikitang nagdiwang ng Pasko ang aktres na si Bela Padilla kasama ang kanyang pamilya. Matatandaang ang pangalan ng nakababatang kapatid ni Kyle, na pumanaw na, ay Bella rin, kaya't nagdulot ito ng maling interpretasyon sa ilang netizen.
Si Kyle Echarri ay isang singer, actor, at performer na sumikat sa Pilipinas. Siya ay unang nakilala bilang finalist sa "The Voice Kids Philippines" Season 2 noong 2015, kung saan siya ay naging bahagi ng team ni Coach Sarah Geronimo. Matapos ang kanyang stint sa "The Voice Kids," napasama siya sa iba't ibang TV shows at pelikula. Isa siya sa mga naging miyembro ng Gold Squad, ang grupong binuo mula sa teleseryeng "Kadenang Ginto", kung saan ginampanan niya ang papel ni Kristoff "Tope" Tejada.
Matatandaang binahagi ni Kyle ang kanyang birthday message para kay Andrea Brillantes. Pinasalamatan niya rin ito sa pagpapangiti raw nito sa kanya.
Binahagi ni Kyle ang Isang van tour sa kanyang customized van. Sa kanyang Instagram post ay pinakita niya ang detalye Ng loob Ng kanyang van.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh