Coco Martin, napapaigtad sa mga eksena ni Julia Montes sa “Topakk”

Coco Martin, napapaigtad sa mga eksena ni Julia Montes sa “Topakk”

  • Napapaigtad daw si Coco Martin habang pinapanood ang mga eksena ni Julia Montes sa pelikulang "Topakk" na puno ng aksyon
  • Nagpasalamat si Julia Montes sa mga pumuri sa kanyang pagganap at dedikasyon sa paggawa ng pelikula
  • Pinuri ni Coco ang kalidad ng "Topakk" at tinawag itong isang pelikulang pang-international
  • Ipinakita ng pelikula ang husay ni Julia sa aksyon na sinasabing sumunod sa yapak ng mga batikang aktres sa genre

Naging usap-usapan ang reaksyon ni Coco Martin habang pinapanood ang pelikulang “Topakk” na pinagbibidahan ng kanyang kasintahan na si Julia Montes at ni Congressman Arjo Atayde. Ayon sa mga nakasaksi, napapaigtad ang Primetime King sa tuwing may eksenang binubugbog si Julia, ngunit kapansin-pansin ang kanyang labis na pagmamalaki para sa aktres.

Coco Martin, napapaigtad sa mga eksena ni Julia Montes sa “Topakk”
Coco Martin, napapaigtad sa mga eksena ni Julia Montes sa “Topakk”
Source: Instagram

Ginanap ang celebrity screening ng “Topakk,” entry ng Nathan Studios para sa 50th Metro Manila Film Festival, sa Gateway Cinema 11. Ayon sa nakatabi ni Coco, hindi nito maitatago ang kanyang emosyon sa mga intense scenes ni Julia, ngunit halatang proud na proud ito sa husay ng aktres sa aksyon.

Read also

Vice Ganda, may paalala sa mga manonood ng kanyang pelikula

Sa panayam ng ABS-CBN News, inilarawan ni Coco ang “Topakk” bilang isang pelikulang may pang-international na kalidad. “Sobrang ganda. Ito ang action. Kumbaga, nakaka-miss. Thank you sa ‘Topakk’ kasi sa December 25, may mapapanood ang mga lalaki, mga barako, may pelikula silang aabangan,” aniya. Pinuri rin niya sina Direk Richard Somes, Arjo Atayde, Sid Lucero, at lalo na si Julia Montes, na kanyang tinawag na isang upgraded action star.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagpasalamat si Julia sa lahat ng pumuri sa kanyang performance, lalo na sa mga action scenes kung saan nagkaroon siya ng minor injuries habang ginagawa ang pelikula. Maraming nakapansin sa kakaibang atake niya sa aksyon, na inihalintulad sa mga naunang female action stars tulad nina Angel Locsin, Erich Gonzales, at Cristine Reyes.

Ayon pa sa mga nakapanood, iba ang dedikasyon ni Julia sa “Topakk.” Matatandaang sinanay din siya ni Coco Martin noong kasagsagan ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” dahilan upang mas mahasa siya sa genre ng aksyon.

Read also

Vice Ganda, emosyonal na yumakap sa ina matapos ang screening ng kanyang MMFF movie

Si Coco Martin ay isang kilalang aktor at director sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga teleserye at pelikula, lalo na sa kanyang mga proyekto sa ABS-CBN. Ang kanyang pinaka-tanyag na papel ay bilang si "Cardo Dalisay" sa hit action-drama series na "FPJ's Ang Probinsyano," na umere mula 2015 hanggang 2022.

Hindi mapagkaila ni Celia Rodriguez ang labis na paghanga niya sa kabutihan ng aktor na si Coco Martin. Kahanga-hanga ang pagtulong ng Batang Quiapo actor kahit hindi niya ito personal na kilala. Marami na rin umanong narinig at nalaman si Celia na natulungan ni Coco. Wala raw siyang ibang nasabi sa aktor kundi alagaan ang sarili gayung kailangan pa siya ng industriya.

Sa isang video na ibinahagi ng ABS-CBN News, kapwa nagmukhang nalilito sina Carlos Yulo at Coco kung sino ang dapat maging fanboy ng isa't isa. Ngunit naunahan ng Olympic twin-gold medalist ang aktor-director nang hilingin niyangmakapagpa-picture dito.

Read also

Maris at Anthony, wala pa rin sa premiere night ng pelikulang 'And the breadwinner is'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate