Julia Barretto, clueless sa 'Dennis Julia' meme: "Oh my Goodness!"
- Wala umanong kaalam-alam si Julia Barretto sa pinakabagong meme sa kanya at kanyang ama ng mga netizens
- Lalo na at hindi naman talaga ito patungkol sa kanilang mag-ama
- Aniya, sadyang witty na lamang ang karamihan ng netizens na nakaisip na gawin ito
- Matatandaang gumawa ng ingay kamakailan ang celebrity photographer na si BJ Pascual nang pangalanan niya ang artist na si Denise Julia bilang 'worst celebrity to shoot'
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Wala umanong kaalam-alam si Julia Barretto hinggil sa pinakabagong meme na kumakalat sa social media, kung saan tila kasama ang kanyang pangalan at ang pangalan ng kanyang ama, si Dennis Padilla.
Sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News, nabanggit niyang may naipakita sa kanyang meme ang kapatid na si Leon na tila may kaugnayan sa naitanong sa kanya ng reporters. "He's Gen Z siya yung nakakita, but I don't know anything about it yet, hindi ko nagets yung picture but I don't know anything about it. Wala akong involvement 'dun."
Ipinahayag din ni Julia na sadyang witty at malikhain ang karamihan ng mga netizens na gumawa ng meme. "Oh my goodness! Ang witty ng mga tao these days," ani Julia, lalo na nang maipaliwanag na ng reporters kung ano talaga ang tinutukoy ng meme.
Ang meme, ayon sa mga netizens, ay hindi tunay na tumutok sa mag-amang Julia at Dennis, kundi may kinalaman sa kontrobersiya na kinasangkutan kamakailan ng celebrity photographer na si BJ Pascual.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Matatandaang gumawa ng ingay si Pascual nang pangalanan niya ang artistang si Denise Julia bilang "worst celebrity to shoot." Ito umano ang pinatutungkulan ng meme at hindi ang mag-amang nabanggit.
Narito ang kabuuan ng panayam kay Julia:
Si Julia Barretto ay isang aktres sa Pilipinas. Anak siya ng mga artistang sina Marjorie Barretto at Dennis Padilla. Minsan na rin niyang nakarelasyon si Joshua Garcia at sa kasalukuyan, nobyo niya ang aktor na si Gerald Anderson.
Isa sa highlight ng taon para sa ama niyang si Dennis Padilla nang ibahagi nito ang birthday greeting sa kanya ng anak na si Julia. Walang pagsidlan ng kasiyahan si Dennis gayung matagal na panahon niyang hinintay na magparamdam muli sa kanya ang anak.
Kasalukuyang mapapanood na rin sa isang online movie platform ang pelikula nina Julia at dating ka-love team at ex-boyfriend na si Joshua Garcia. Ito ang comeback movie nila na "Un/happy For You" na gumulantang sa publiko ngayong 2024.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh