Gary V, aminadong naging emosyonal nang mabasa ang mensahe ng ilang BINI fans
- Naging emosyonal si Gary Valenciano nang mabasa ang ilang mensahe sa kanya ng Blooms
- Matatandaang isa ang nag-iisang Mr. Pure Energy sa naging panauhin ng BINI sa kanilang Grand BINIverse noong Nobyembre
- Naikwento niya ang naging reply niya sa ilang komento ng BINI fans lalo na asa awiting 'Di Bale na lang"
- Labis niya umanong pinahahalagahan ang mga ganitong uri ng komento lalo na sa mga makabagong henerasyon
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naging emosyonal si Gary Valenciano nang basahin ang ilang mensahe mula sa mga Blooms, ang mga tagahanga ng BINI, na nagpakita ng kanilang pasasalamat at pagmamahal.
Sa panayam sa kanya ni Bernadette Sembrano, inamin ng "Mr. Pure Energy" naikwento niya na matiyaga siyang nagbabasa ng mga mensahe sa kanya ng fans at ilan nga sa mga ito ay mula sa mga Blooms.
Matatandaang isa si Gary sa mga espesyal na panauhin sa Grand BINIverse noong Nobyembre, isa sa mga naging surpresa ng grupo sa mga nanood.
"Biruin mo yung 'Di Bale na lang', hindi naman inspirational song 'yan 'di ba? Pero may mga Blooms, fans ng BINI kasi nagre-responda talaga ako sa IG," ani Gary. "I try, I really try and respond to all... Siguro may dalawa o tatlo na nagsabi na 'alam mo sir, hindi mo lang alam pero nung maliit pa ako, pinapatugtog 'yang 'Di Bale Na Lang'. At hindi niyo lang alam sir, I've never watched you before. So when I saw you performing that song, naalala ko yung pamilya ko, yung nanay ko, yung tatay ko, tapos sinabayan ko kumanta, lahat kami kumakanta.'"
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ayon pa kay Gary, hindi niya maiwasang maging emosyonal matapos basahin ang mga mensaheng ito, na nagpapakita ng koneksyon ng kanyang awit sa mga mahahalagang alaala ng mga fans. "How can you not get emotional? And how can you not respond?" dagdag pa niya, nagpapakita ng taos-pusong pagpapahalaga sa mga tagahanga na nagsasabi ng kanilang kwento.
Narito ang kabuuan ng interview mula sa Bernadette Sembrano YouTube:
Ang BINI ay isang PPop girl group na sika na sikat ngayon.Binubuo ito nina Aiah, Malai, Mikah, Colet, Stacey, Gwen, Jhoanna, at Sheena. Sila ang grupo sa likod ng popular na mga awiting "Pantropiko", "Salamin," "Huwag muna tayong umuwi," "Cherry on Top" at marami pang iba.
Matapos ang matagumpay at sold-out nilang 3-day concert noong Hunyo, Sinundan naman ito ngayon ng Grand BINIverse na ginanap sa Araneta Coliseum mula Nobyembre 16, 18 at 19. At kahit pa ginawa nilang tatlong araw ang naturang konsyerto, sold out pa rin ang tickets sa mga araw na ito.
Matatandaang minsan nang napuri ni Karen Davila ang grupo. Bukod umano sa husay ng mga ito sa kanilang larangan, kahanga-hanga ang kwento ng buhay ng bawat isa bago nila matamasa ang tagumpay ngayon. Sa naturang panayam din ni Karen sa grupo, naikwento ni Sheena ang pagpanaw ng ina sa kalagitnaan ng pandemic habang siya ay nasa training Star Hunt Academy.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh