BJ Pascual, ibinunyag ang "stressful encounter" kasama ang team ni Denise Julia
- Inilahad ni BJ Pascual ang isang stress na karanasan sa photo shoot kasama ang team ni Denise Julia
- Kinansela umano ng team ni Denise ang shoot isang araw bago ang nakatakdang schedule dahil sa problema sa hairstylist
- Si BJ ang nagbayad sa lahat ng cancellation fees upang hindi maabala ang kanyang production team
- Tinuloy ni BJ ang photoshoot kasama ang aktres na si Sarah Lahbati upang hindi masayang ang mga nakahandang set
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Isang masalimuot na karanasan ang ibinahagi ng tanyag na celebrity photographer na si BJ Pascual kaugnay ng isang photo shoot na hindi natuloy kasama ang team ng Filipino R&B singer na si Denise Julia.
Sa kanyang panayam sa podcast na "BJ Pascual Spills Tea" ni Killa Kush, isiniwalat ni BJ ang mga detalye ng insidente na aniya’y tumatak bilang isa sa kanyang pinaka hindi magandang karanasan sa trabaho.
Ayon kay BJ, ang nasabing photo shoot ay bahagi ng isang passion project na kanyang tinanggap sa kabila ng mga narinig niyang negatibong kwento tungkol kay Denise at sa kanyang team.
"I'm a fan of hers... her music. I love supporting young people. In the beginning, they want someone to shoot her lang, change her image, and level up lang. Favorite ko yung mga ime-make over, ganyan," ani BJ.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Inilatag ni BJ ang kanyang dedikasyon sa proyekto, kabilang na ang pagkuha ng mga eksperto gaya ng kanyang kaibigan na si Princess Barretto, isang tanyag na set designer, na pumayag magtrabaho nang libre. "She's so busy. Ang babayaran na lang nila is manpower and materials. There is no talent fee. This is charity work na."
Ngunit isang araw bago ang nakatakdang shoot, kinansela ng team ni Denise ang proyekto dahil sa umano'y problema sa kanilang hairstylist. "Okay, ako na ang magbabayad. I paid for everything." He decided to call a movie star to schedule a photoshoot," ani BJ.
Sinabi rin ni BJ na siya ang sumagot sa lahat ng bayarin mula sa cancellation fees hanggang sa talent fees ng kanyang team. Sa kabila ng stress at gastos, nakahanap siya ng paraan upang hindi masayang ang set. Tinawagan niya ang aktres na si Sarah Lahbati upang kunin ang photoshoot slot. "So I called, 'Busy ka ba tomorrow?' She said, 'Yeah.' She's going to split na lang with me yung costs," said BJ. "Yes, she did four sets."a," kwento ni BJ.
Dagdag pa ni BJ, wala na siyang narinig mula kay Denise o sa kanyang team matapos ang insidente. "After that, I never heard from her. No sorry, no thank you for everything. No, what happened?," aniya.
Si Denise Julia, na kilala sa kanyang mga sikat na R&B tracks tulad ng NVMD, B.A.D, Lackin’, at Sugar and Spice, ay isa sa mga artistang naka-schedule na magtanghal sa “Love Laban 2 Everyone” Pride event sa Quezon City Memorial Circle noong Hunyo 22, 2022.
Matatandaang ibinahagi ng R&B singer sa social media ang kanyang pagkadismaya matapos makaranas ng mga hamon sa kanyang unang Pride show na tuluyang naantala dahil sa masamang panahon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh