Heart Evangelista, may bonggang pa-raffle sa kanyang team
- Nagpa-raffle si Heart Evangelista sa kanyang team ng cash at massage chairs na nagkakahalaga ng Php 196,000 at Php 560,000
- Ginanap ang "Team Heart Christmas Party" sa bahay ni Heart Evangelista
- Kabilang sa mga nabigyan ng pasasalamat ni Heart ay sina Michael Leyva, Albert Kurniawan, at Mickey See
- Nagbigay rin si Heart ng Hermes bags sa kanyang Fashion Week team noong Nobyembre bilang advanced Christmas gift
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Kabilang sa mga pina-raffle ni Heart Evangelista para sa kanyang team sa kanilang Christmas party ang isang massage chair na nagkakahalaga ng Php 560,000. All-out si Heart sa selebrasyong ito na ginanap sa kanyang tahanan, tinawag na "Team Heart Christmas Party."
Bagamat simple lamang ang setup ng kanilang pagtitipon, sinigurado ni Heart na magiging masaya ang bawat miyembro ng kanyang team ngayong Kapaskuhan. Kabilang sa mga nabigyan ng kanyang pasasalamat ay ang fashion designer na si Michael Leyva at makeup artists na sina Albert Kurniawan at Mickey See.
Sa isang Instagram Reel na ibinahagi niya noong Lunes, Disyembre 16, makikitang nagpa-raffle si Heart ng cash at dalawang massage chair na nagkakahalaga ng Php 196,000 at Php 560,000 mula sa kanyang ineendorsong brand. Noong Nobyembre, nagbigay din siya ng Hermes bags sa bawat miyembro ng kanyang Fashion Week team bilang advanced Christmas gift.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Heart Evangelista ay isang kilalang Filipino actress, model, at philanthropist. Ipinanganak noong February 14, 1985. Bukod sa kanyang karera sa showbiz, naging parte si Heart ng mga philanthropic activities at proyekto. Siya rin ay may mga social media platforms kung saan aktibo siya sa pagbibigay ng updates tungkol sa kanyang buhay personal at professional.
Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento at reaksiyon. Marami sa mga netizens ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit at estilo.
Samantala, binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan.
Source: KAMI.com.gh