Mikee Quintos at Paul Salas, natangayan ng 8 million pesos matapos ma-scam
- Nabiktima ng scam sina Mikee Quintos at Paul Salas kasama ang kanilang mga kamag-anak na nawalan ng 8 milyong piso
- Nagsampa sila ng reklamo sa piskal ng Makati kasama ang lima pang biktima ng parehong scam
- Ayon kay Mikee, maayos ang transaksiyon sa unang 2-3 taon bago tuluyang hindi na naibalik ang kanilang pera
- Umani ng simpatiya mula sa netizens ang dalawa na nanawagan ng hustisya at pag-iingat laban sa mga scam
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nabiktima ng malaking scam ang magkasintahang sina Mikee Quintos at Paul Salas, kasama ang kanilang pamilya. Ayon sa ulat, nagsampa sila ng reklamo sa piskalya ng Makati matapos tangayin ang kanilang pera na umabot sa kabuuang halagang 8 milyong piso.
Ibinahagi ni Mikee na noong una sa mismong show niyang Lutong Bahay na naging maayos ang kanilang transaksiyon sa unang dalawa hanggang tatlong taon dahil naibabalik ang kanilang in-invest. Aniya, maganda ang kita noong una kaya sila napa-invest ng mas malaking halaga. Gayunpaman, kalaunan ay hindi na naibalik ang kanilang pera at tuluyang natangay ang malaking halaga.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang insidente ay nagsilbing babala sa publiko na maging maingat sa mga ganitong uri ng transaksiyon at mag-doble ingat upang hindi maloko. Umani rin ng simpatiya mula sa netizens ang magkasintahan, na parehong umaasa ng hustisya laban sa mapanlinlang na gawain.
Si Mikee Quintos ay isang kilalang Filipina aktres na kasalukuyang bahagi ng GMA Network. Siya ay nakilala sa kanyang pagganap bilang Lira sa fantaseryeng "Encantadia" (2016 reboot), na nagbigay-daan sa kanyang pagsikat sa industriya ng showbiz. Ang kanyang kasalukuyang karelasyon ay ang Kapuso actor na si Paul Salas.
Sa panayam ni Mikee napag-alamang bukod sa pagiging biktima ng panloloko na umabot sa halagang P37 milyon mula sa pinagkakatiwalaang business partner, ibinahagi ng aktres na si Sherilyn Reyes-Tan na pinagnakawan din siya ng sarili niyang personal assistant (PA).
Sa isang panayam sa programang Lutong Bahay, ibinahagi ng aktres na si Matet de Leon ang kanyang naging karanasan nang malaman niyang siya ay ampon. Kasama ang kanyang anak, sina Chef Ylyt, at aktres na si Mikee Quintos, nagbahagi si Matet ng kanyang kwento habang may tinolang manok at putobumbong sa hapag.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh