Annette Gozon-Valdes, nilinaw ang isyu ng "It's Showtime" renewal
- Nilinaw ni GMA exec Annette Gozon-Valdes na walang utang ang ABS-CBN kaugnay ng “It’s Showtime” blocktime renewal sa GMA Network
- Sinabi niyang nasa 95% na ang posibilidad na mai-renew ang kontrata at natagalan lamang dahil may hinihintay silang “data”
- Tiniyak din niyang walang problema sa TV ratings ng programa dahil mataas ang viewership nito
- Nanatiling prayoridad ng GMA ang pag-renew ng “It’s Showtime” bago matapos ang kontrata sa pagtatapos ng 2024
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Nilinaw ni GMA Network senior vice president for programming, talent management, worldwide and support group, at president ng GMA Pictures na si Atty. Annette Gozon-Valdes na walang katotohanan ang tsismis na may kinalaman sa hindi nababayarang utang ang delay sa renewal ng blocktime airing ng noontime show ng ABS-CBN na “It’s Showtime” sa GMA Network.
Sa panayam ng showbiz news reporters matapos ang "Konsyerto sa Palasyo" nitong Linggo, Disyembre 15, sinabi ni Gozon-Valdes na ang tanging dahilan ng pagkaantala sa renewal ay may hinihintay pa silang “data” na hindi niya tinukoy kung ano. Gayunpaman, tiniyak niya na nasa 95% na ang posibilidad na mai-renew ang kontrata ng “It’s Showtime.”
“May hinintay kaming data, kaya natagalan ulit kaming bumalik sa kanila. Pero, siguro mga 95% [renewal], wala namang problema kasi, konting pag-uusap lang,” paliwanag ni Gozon-Valdes.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Itinanggi rin ng GMA executive ang tsismis tungkol sa pagkakautang ng Kapamilya network. “Ay hindi, wala, wala silang utang,” mariing paglilinaw ni Gozon-Valdes.
Tiniyak din niya na wala silang problema sa ratings ng “It’s Showtime” dahil mataas ang naitatala nitong viewership. Samantala, nilinaw rin niya na bagaman napag-usapan ang posibilidad na ilagay ang programang “TikToClock” sa nasabing timeslot, nananatiling prayoridad ng GMA ang pag-renew ng kontrata ng Kapamilya noontime show.
Matatapos ang kontrata ng “It’s Showtime” sa pagtatapos ng 2024, kaya abangan na lamang ang opisyal na anunsyo ng kanilang magiging kasunduan.
Ang "It's Showtime" ay isang noontime variety show sa Pilipinas na unang ipinalabas noong Oktubre 24, 2009, sa ABS-CBN. Ang programa ay kilala sa pagpapakita ng iba't ibang segments na nagbibigay ng kasiyahan, talento, at saya sa mga manonood. Ito ay nagtatampok ng mga paligsahan sa talento, kwelang laro, at iba’t ibang entertainment acts na pinangungunahan ng mga hosts tulad nina Vice Ganda, Vhong Navarro, Anne Curtis, Jhong Hilario, Karylle, Amy Perez, at marami pang iba.
Patuloy na nagpapasaya ang mga hosts ng It’s Showtime sa kanilang mga tagapanood sa pamamagitan ng mga nakakaaliw na pakulo. Sa isang segment ng kanilang programa, nagpasiklab sila sa isang Dugtungan Dance Challenge na nagdulot ng tawanan at kasiyahan sa studio at online.
Sa gitna ng mga haka-hakang magtatapos na ang kontrata ng noontime show na “It’s Showtime” sa GMA 7, nagsalita na ang Kapuso TV host at trivia master na si Kim Atienza.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh