Kampo ni Rita Daniela, nag-react sa counter-affidavit ni Archie Alemania
- Kinumpirma ng abogado ni Rita Daniela na inamin daw ni Archie Alemania ang mahahalay na salita at paghawak sa aktres ayon sa kanyang counter-affidavit
- Iginiit ng kampo ni Rita na ang mga pahayag ni Alemania ay maituturing na "material admissions" na nagbibigay ng sapat na basehan para sa reklamo
- Idinahilan ni daw Alemania na ginawa niya ang mga kilos bilang "wacky" at upang i-comfort si Rita habang sila ay nasa sasakyan
- Nakatakdang sagutin ni Rita Daniela ang counter-affidavit ni Alemania sa December 17 ayon sa abogado ng aktres
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Itinuturing ng kampo ni Rita Daniela na kumpirmasyon ang ilang bahagi ng counter-affidavit na inihain ni Archie Alemania sa reklamo ng acts of lasciviousness na isinampa laban sa aktor.
Sa isang pahayag mula sa abogado ni Rita na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, sinabi niyang inamin ni Alemania ang paggamit ng mahahalay na salita at paghawak kay Rita habang sila ay nasa sasakyan.
Bagamat idinahilan ng aktor na ang kanyang kilos ay "wacky" lamang at ginawa upang aliwin o i-comfort ang aktres, iginiit ng abogado na hindi nito nababago ang bigat ng reklamo.
"He also said in his counter affidavit that when Rita got out of his vehicle, she was very angry. Why would Rita be angry when he did not do something wrong when they were at the car? If he just touched to comfort her?" tanong ni Abraham-Garduque, na tinawag ang mga pahayag ng aktor na "material admissions" na maaaring magdulot ng tiyak na conviction.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Samantala, nakikipag-ugnayan ang programang Fast Talk With Boy Abunda kay Alemania upang makuha ang panig nito, ngunit hindi pa ito nagbibigay ng tugon. Nakatakdang magsumite ng sagot si Rita Daniela sa counter-affidavit ni Alemania sa darating na December 17.
Si Rita Daniel ay isang Pilipinang mang-aawit, aktres, at host sa telebisyon. Nagsimula ang kanyang karera matapos siyang tanghalin bilang kauna-unahang grand champion ng QTV's PopStar Kids at mas nakilala pa siya sa kanyang pagganap bilang Aubrey Palomares sa “My Special Tatay.”
Sa isang naunang ulat ng KAMI, ang anak ni Rita na si Uno ay nagdiwang ng kanyang unang kaarawan. Kasabay ng kanyang kaarawan noong Disyembre 22, si Baby Uno ay nagkaroon ng Christian dedication. Noong Enero 4, nag-post si Rita sa social media ng mga magagandang larawan mula sa nasabing selebrasyon. Sa mga larawang kuha ng Nice Print Photography, makikitang masaya si Uno sa kanyang “PAW Patrol”-themed na party.
Sa isa pang panayam kay Rita ni Boy Abunda, tinanong siya tungkol kay Julie Anne San Jose. Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda,” tinanong ni Boy kung nagseselos ba si Rita kay Julie Anne. Agad na sinagot ng celebrity mom, “Wala po, Tito Boy.” Matatandaang magkasama ang dalawang singer sa ‘Pop Star Kids,’ kung saan si Rita ang tinanghal na grand champion, habang si Julie Anne naman ay kabilang sa mga naging finalist.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh