Yasmien Kurdi, nanindigan para sa anak na biktima umano ng bullying
- Isiniwalat ni Yasmien Kurdi na biktima umano ng bullying ang kanyang anak na si Ayesha matapos daw itong pagkaisahan ng 7-9 kaklase sa loob ng silid-aralan
- Ayon sa post ni Yasmien hindi raw pinayagan si Ayesha na lumabas ng classroom, kinuhanan ng pagkain, at hindi pinayagang mag-recess
- Dagdag pa niya, simula pa noong grade 2 ay nakakaranas na si Ayesha ng pambu-bully at umabot sa puntong pagkakaroon ng online "Ayesha Hate Club"
- Nanindigan si Yasmien laban sa mga magulang ng mga bully at nangakong ipagtatanggol ang anak sa kabila ng paulit-ulit na pangyayari
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Isiniwalat ng aktres na si Yasmien Kurdi sa isang social media post ang masakit na karanasan ng kanyang 12-taong-gulang na anak na si Ayesha, matapos itong maging biktima ng bullying sa paaralan.
Ayon kay Yasmien, si Ayesha ay pinagkaisahan ng 7-9 estudyante sa loob ng silid-aralan dahil hindi ito nakasabay sa mga mensahe tungkol sa kanilang nalalapit na Christmas party habang sila ay nasa ibang bansa.
Hindi raw pinayagan si Ayesha na lumabas ng silid-aralan, tinanggalan ng pagkain, at hindi rin pinayagang mag-recess. Bukod dito, nabanggit ni Yasmien na nagdulot ng matinding stress kay Ayesha ang panibagong insidente matapos ang isang naunang pangyayari kung saan kinuhanan siya ng video nang walang pahintulot.
Ito ang dahilan kung bakit nagbakasyon si Ayesha upang maibsan ang paranoia at anxiety na kanyang nararanasan.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ayon kay Yasmien, simula pa noong grade 2 ay nakakaranas na ng pambu-bully si Ayesha, kabilang ang pagkakaroon ng isang online na "Ayesha Hate Club" na binuo para siraan ang kanyang anak. Nakalulungkot na ilan sa mga estudyanteng gumagawa nito ay mga kaklase pa rin ni Ayesha sa kasalukuyan.
Bilang isang ina, hindi napigilan ni Yasmien ang kanyang galit sa patuloy na pagtatanggol ng mga magulang ng mga bully sa kanilang mga anak at ang pagbaliktad ng sitwasyon sa kanyang anak.
Sa pagtatapos ng kanyang post, sinabi ni Yasmien, "Gusto mo ba gawin ito sa anak mong babae?" Dagdag pa niya, “I’m so sorry, Ayesha. You have to go through all of this because I am your mom. But I will always be here for you. I will protect you with all my life. You are beautiful inside and out.”
Nanawagan si Yasmien para sa hustisya at pagpapahalaga sa mental health at kaligtasan ng mga bata, lalo na sa mga paaralan.
Si Yasmien Yuson Kurdi-Soldevilla ay sumikat bilang isang pop singer, songwriter, actress at model. Kabilang siya sa final four ng unang season ng reality-based talemt search sa GMA na Starstruck. Tinanghal siyang first runner-up sa naturang show.
Kabilang si Yasmien sa mga artistang nagdalamhati sa pagpanaw ng news anchor na si Mike Enriquez. Nagbigay-pugay si Yasmien sa beteranong broadcaster sa pamamagitan ng isang Facebook post. Nabanggit niya ang tungkol sa magandang katangian ni Mike.
Samantala, kamakailan ay binahagi ni Yasmien ang balita tungkol sa kanyang pagdadalang-tao. Buntis siya sa pangalawang anak nila ng kanyang asawang si Rey Soldevilla Jr. Sa kanyang post ay binahagi niya ang kanilang family picture kasama ang sonogram ng kanilang baby.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh