Carlo Mendoza, humingi ng dispensa matapos ang pakikilahok sa rally
- Humingi ng dispensa si Carlo Mendoza matapos niyang sumali sa isang rally upang ipahayag ang kanyang saloobin bilang kabataan
- Ipinaliwanag niya na dala ito ng maagang pagkamulat sa kahirapan at pagnanais ng mas maayos na pamumuhay sa bansa
- Hinikayat niya ang kapwa kabataan na magmasid, umunawa, at magpatuloy sa pananampalataya sa kabila ng hamon ng buhay
- Nagdulot ng iba’t ibang reaksyon sa social media ang kanyang pahayag, mula sa papuri hanggang sa pagtutol
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Lumikha ng ingay sa social media si Carlo Mendoza o mas kilala bilang si Gigil Kid matapos ang kanyang pakikilahok sa isang rally kamakailan. Sa isang emosyonal na pahayag na ibinahagi niya sa Facebook, humingi si Carlo ng dispensa sa publiko kasunod ng kontrobersya sa kanyang ginawang hakbang.
Sa kanyang post, sinabi ni Carlo:
"Bata pa lang po ako pero dala ng mabibigat na pangyayari sa buhay ko na hindi alam ng nakararami. Nakikinig, nagbabasa, at sumusubaybay na po talaga ako sa nangyayari sa paligid. Ang kabataan po sa panahon ngayon ay bukas na ang kaisipan dulot ng maagang pagmulat sa kahirapan."
Pinaliwanag ni Carlo na ang kanyang pakikilahok sa rally ay bunsod ng kagustuhang mailabas ang kanyang saloobin bilang isang kabataan na umaasam ng mas maayos na kinabukasan para sa bansa. Kasabay nito, humingi siya ng paumanhin sa mga taong maaaring nasaktan o nagalit sa kanyang naging desisyon.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Humihingi po ako ng pasensya sa lahat ng tao. Ang kagustuhan ko lang po talaga ay mailabas ang aking saloobin bilang kabataan na umaasa ng maayos na pamumuhay sa ating bayan," dagdag pa niya.
Bilang mensahe sa kanyang kapwa kabataan, hinimok ni Carlo ang mga ito na magpatuloy sa pagmamasid at pag-unawa sa mga nangyayari sa paligid, at manalig sa Panginoon sa gitna ng anumang unos sa buhay.
Ang naging pahayag ni Carlo ay nagbunsod ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens. May ilan na pumuri sa kanyang tapang at pagpapakumbaba, habang may ilan din na nagpahayag ng pagtutol sa kanyang pananaw. Gayunpaman, nananatili si Carlo na bukas sa pag-unawa sa iba't ibang opinyon at umaasang maipagpatuloy ang pag-aaral at adbokasiya para sa mas maayos na kinabukasan.
Si Carlo, na tinaguriang "Gigil Kid," ay sumikat matapos mag-viral ang kaniyang mga video kung saan makikitang tila laging naggigigil. Naaliw ang Kapamilya comedian na si Vice Ganda sa kaniyang pagiging natural at itinuring siyang parang anak, dahil sa ipinapakita niyang tunay na pagmamahal sa kaniyang pamilya at mga taong nasa paligid niya.
Masaya nyang ibinahagi ang lahat ng tulong na natatanggap niya mula sa 'Unkabogable Star' na si Vice Ganda.
Matatandaang sinorpresa ni Vice Ganda ang anak-anakang si Carlo Mendoza na nakilala din bilang si Gigil Kid. Agad siyang niyakap ni Carlo nang makita siya nito dahil matagal din daw silang hindi nagkita.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh