Gerald Anderson, sinagot ang tanong kung totoo ang lumabas na isyu sa kanila ni 'P'
- Kabilang sa naitanong kay Gerald Anderson ay kung may katotohanan ang lumabas na bali-balita tungkol daw sa kanila ni 'P'
- Walang pangalan na binanggit ang host ng 'Men's Room' ng One PH ngunit nang ibinulong sa kanya kung sino ang tinutukoy nila
- Ani Gerald tsismis lang yun at walang katotohanan ang lumabas na pag-uugnay sa kanya kay 'P'
- Pabiro pang sinabi ni Gerald na ito na raw ang pinakamahirap na interview niya sa buong showbiz career niya
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa isang panayam sa Men's Room sa One PH, tinalakay ni Gerald Anderson ang lumabas na bali-balita ukol sa kanya at kay 'P'. Tinukoy ng host ang isyu ngunit hindi binanggit ang pangalan ni 'P'. Nang ibinulong na sa kanya kung sino ang tinutukoy, agad namang sinagot ni Gerald na tsismis lamang ito at walang katotohanan ang anumang pag-uugnay sa kanya kay 'P'.
Ayon kay Gerald, wala siyang alam tungkol sa mga kumakalat na balita at mariin niyang pinabulaanan ang mga ito. Pabiro pang sinabi ni Gerald na ito raw ang pinakamahirap na interview na kanyang naranasan sa buong showbiz career niya. Sa kabila ng mga tanong ukol sa isyu, ipinakita ni Gerald ang pagiging kalmado at mature sa kanyang mga sagot. Tiniyak niyang ang mga balitang kumakalat ay walang basehan at hindi siya apektado ng mga tsismis.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Gerald Anderson ay unang sumikat sa mundo ng showbiz matapos niyang mapabilang sa mga teen housemates ng Pinoy Big Brother kung saan nakasama niya si Kim Chiu. Naging katambal niya sa maraming pelikula si Kim na naging kasintahan niya rin sa totoong buhay. Gayunpaman, nagkahiwalay sila at naiugnay sa ibang mga aktres si Gerald kagaya nina Maja Salvador, Bea Alonzo at Sarah Geronimo.
Sa pag-guest ng kasintahan ni Gerald na si Julia Barretto sa YouTube channel ni Karen Davila, natanong siya kung sigurado siyang hindi siya sasaktan ng kanyang boyfriend. Ani Julia, hindi siya makikipagrelasyon kay Gerald kung hindi niya ito pinagkakatiwalaan. Pinapakita umano nito kay Julia na mapagkakatiwalaan siya at walang dahilan para pagdudahan niya si Gerald.
Sa parehas ding panayam kay Julia, natanong ni Karen Davila kay Julia ang ilang bagay tungkol sa estado ng relasyon nila ni Gerald. Kabilang na dito ay ang posibilidad na magpakasal silang magkasintahan. Ani Julia, naniniwala siyang dadating sa kanila ni Gerald ang tamang panahon tungkol sa usaping ito. Aniya masaya naman siya at secured kahit hindi pa sila kinakasal ng aktor.
Source: KAMI.com.gh