Sue Ramirez, nag-post ng picture kung saan makikita si Dominic Roque
- Binahagi ni Sue Ramirez sa kanyang Instagram story ang isang picture kung saan makikita ang dagat at mga tao na kinabilangan niya at ni Dominic Roque
- Hindi man ganun kaliwanag ay hindi nakaligtas sa mga mapanuring netizens na kabbilang si Dominic sa mga taong nasa post na ito ni Sue
- Kumalat na rin ang pictures nila na kuha sa kanilang pag-isaland hopping sa Siargao
- Sa kasalukuyan ay wala pa ring nilalabas na pahayag ang dalawa kaugnay sa pag-uugnay sa kanila matapos lumabas ang kissing video nila
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Naging usap-usapan online ang Instagram story ni Sue Ramirez kung saan ibinahagi niya ang isang larawan na kuha sa isang beach. Bagama’t hindi gaanong maliwanag ang larawan, napansin ng mga mapanuring netizens na kabilang si Dominic Roque sa mga tao sa nasabing post.
Bukod sa Instagram story, kumalat na rin sa social media ang ilang larawan ng dalawa na kuha mula sa kanilang pag-island hopping sa Siargao. Dahil dito, muling uminit ang espekulasyon tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila matapos lumabas ang isang kissing video nila kamakailan.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa ngayon, parehong nananatiling tahimik sina Sue at Dominic at wala pang opisyal na pahayag kaugnay sa mga balitang nag-uugnay sa kanila. Patuloy namang binabantayan ng netizens ang anumang update mula sa dalawa.
Si Sue ay naging bahagi ng ilang ABS-CBN shows kagaya ng Mula Sa Puso, Angelito: Batang Ama, Annaliza, All of Me, Pangako Sa'yo, at Dolce Amore.
Sa kabila ng mga kontrobersiya ay tahimik lang sina Dominic Roque at Sue Ramirez. Ito ay matapos kumalat ang kissing video nila habang sila ay parehas na nasa Siargao. Sa pag-ingay ng pangalan ng dalawa ay naglabas ng paglilinaw ang ex ni Sue na si Mayor Javi Benitez para linawin na apat na buwan na silang hiwalay ni Sue. Sa kasalukuyan ay dumarami ang sumusuporta kina Dominic at Sue sakali mang maging sila dahil ayon sa kanilang mga followers ay parehas naman silang single at parehas nilang deserve na lumigaya.
Naging usap-usapan sa social media ang nakakatuwang hirit ni Senyora matapos siyang i-follow ni Sue Ramirez sa Instagram. Marami ang naaliw sa naging reaksyon ng internet sensation, lalo na’t binahagi pa niya ang screenshot ng pag-follow ni Sue kalakip ng isang witty na mensahe: “Hindi ka pa nakuntento finallow mo pa talaga ako. Para ano? Ha?? iboblock talaga kitang babaita ka!”
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh