Dominic Roque at Sue Ramirez, muling namataang magkasama sa Siargao
- Kumalat ang bagong video nina Dominic Roque at Sue Ramirez na magkasama sa Siargao
- Ibinunyag ni Ogie Diaz na bumalik si Dominic sa Siargao matapos ang block screening ng pelikula ni Kathryn Bernardo
- Naunang naiwan si Sue sa Siargao simula pa noong Oktubre ayon sa showbiz insider
- Hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag sina Dominic at Sue tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Muling naging usap-usapan sa social mediasina Dominic Roque at Sue Ramirez matapos kumalat ang bagong video nilang magkasama sa Siargao.
Sa pinakabagong episode ng Showbiz Updates nitong Lunes, Nobyembre 18, ibinahagi ng showbiz insider na si Ogie Diaz ang natuklasan mula sa kaniyang source.
"Ayon sa aking source, hindi ko alam kung totoo ito, pero ngayong Nobyembre 18, nasa Siargao ulit si Dominic Roque," ani Ogie.
Matapos umanong dumalo si Dominic sa block screening ng pelikulang Hello, Love, Again bilang suporta sa kaibigang si Kathryn Bernardo, agad itong bumalik sa Siargao. Samantala, naiwan daw doon si Sue Ramirez, na matagal nang naroroon simula pa noong Oktubre.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Naalala rin ni Ogie ang unang video nina Dominic at Sue na kumalat, kung saan makikita silang magkasama sa isang bar sa Siargao at tila nagkaroon ng saglit na halikan.
(Video starts at 12:45)
Hanggang sa ngayon, wala pang pahayag mula kina Dominic at Sue tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, dahilan upang magpatuloy ang espekulasyon ng mga fans at netizens.
Si Sue ay naging bahagi ng ilang ABS-CBN shows kagaya ng Mula Sa Puso, Angelito: Batang Ama, Annaliza, All of Me, Pangako Sa'yo, at Dolce Amore.
Sa kabila ng mga kontrobersiya ay tahimik lang sina Dominic Roque at Sue Ramirez. Ito ay matapos kumalat ang kissing video nila habang sila ay parehas na nasa Siargao. Sa pag-ingay ng pangalan ng dalawa ay naglabas ng paglilinaw ang ex ni Sue na si Mayor Javi Benitez para linawin na apat na buwan na silang hiwalay ni Sue. Sa kasalukuyan ay dumarami ang sumusuporta kina Dominic at Sue sakali mang maging sila dahil ayon sa kanilang mga followers ay parehas naman silang single at parehas nilang deserve na lumigaya.
Naging usap-usapan sa social media ang nakakatuwang hirit ni Senyora matapos siyang i-follow ni Sue Ramirez sa Instagram. Marami ang naaliw sa naging reaksyon ng internet sensation, lalo na’t binahagi pa niya ang screenshot ng pag-follow ni Sue kalakip ng isang witty na mensahe: “Hindi ka pa nakuntento finallow mo pa talaga ako. Para ano? Ha?? iboblock talaga kitang babaita ka!”
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh