Celine Lim, nagtapos ng Dual Master’s Degree sa Australia
- Nagtapos si Celine Lim ng dual master’s degree sa Supply Chain Management at Project Management sa Australia
- Ibinahagi niya ang tagumpay sa Instagram, kung saan nagbigay siya ng emosyonal na liham para sa kanyang nakababatang sarili na tinawag niyang "Potpot"
- Pinuri niya ang sarili sa matinding pagsusumikap at sakripisyong nagdala sa kanya sa tagumpay na ito
- Bago ito, nagtapos siya ng Food Technology sa University of Santo Tomas noong 2019 habang sabay na umaarte sa Kapamilya shows
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Matagumpay na nagtapos si Star Circle Kid Quest alumna Celine Lim ng dual master’s degree mula sa isang unibersidad sa Australia. Sa isang emosyonal na post sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Celine ang tagumpay na ito sa pamamagitan ng isang bukas na liham para sa kanyang nakababatang sarili, na tinawag niyang "Potpot."
Ayon kay Celine, ang pagtatapos niya ng dalawang master's degree sa Supply Chain Management at Project Management ay resulta ng matinding pagsusumikap at sakripisyo. Aniya, “I’ve wholeheartedly given my all, pouring blood, sweat, and (so many) tears while conquering my fears.” Ipinahayag din niya na ang mga nagawa niya ay hindi lamang para sa kasalukuyang Celine, kundi para rin sa batang Potpot na puno ng pangarap at determinasyon.
Dagdag pa niya, “This isn’t just for Celine today and in the future, but especially for Potpot and the dreams we share.” Pinuri ni Celine ang kanyang sarili sa katatagan na nagdala sa kanya sa tagumpay na ito, na sinasabing ang mga panalangin at pagsusumikap nila noon ay nagbunga na.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nagpasalamat din siya sa kanyang nakababatang sarili, “You had to be tough so I could learn to be soft. You had to live through discomfort so I could have the opportunity to grow.” Pinangako ni Celine na patuloy niyang ipagpapatuloy ang laban sa buhay, dala ang inspirasyon mula sa kanyang nakaraang karanasan.
Bago ang pagtatapos na ito, si Celine ay nakapagtapos na rin ng Food Technology mula sa University of Santo Tomas (UST) noong 2019, habang sabay na pinagsasabay ang kanyang pag-aaral at paglabas sa mga Kapamilya shows tulad ng Ipaglaban Mo at Maalaala Mo Kaya.
Sa kanyang pinakahuling post, sinabi ni Celine, “Still speechless until now, my heart is full of gratitude.” Binahagi rin niya ang mga hamon ng pagkuha ng dalawang master’s degree nang sabay, lalo na matapos magdesisyon na mag-aral ng Project Management dahil sa hindi inaasahang pagbabago sa kanyang study sequence.
Ang inspiring na mensahe ni Celine Lim ay nagsilbing paalala na sa kabila ng lahat ng hamon, ang pagpupursige at pananalig ay laging may hatid na tagumpay. Ipinahayag din niya ang pasasalamat sa Panginoon sa lahat ng biyaya, habang hinimok ang kanyang mga followers na huwag sumuko sa kanilang mga pangarap.
Si Celine Lim ay nakilalla bilang isang aktres mula sa Pilipinas. Una siyang nakilala sa industriya ng libangan bilang isa sa mga finalist noong 2004 sa reality series ng ABS-CBN na Star Circle Quest. Naging kasabayan niya sina Nash Aguas at Sharlene San Pedro.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh