Chloe San Jose, nagmessage daw sa mag-inang Ai-ai at Sophia: "We'll see if they even reply"
- Sa kanyang post sa Facebook ay hindi pa rin nawawala ang mga negatibong komento kay Chloe San Jose
- Gayunpaman, hindi ito napapatinag at sinasagot ang ilang mga komento sa comment section ng kanyang post
- Sa baong post niya kung saan ibinida niya ang kanyang bare face ay isang netizen ang nagsabing natakot daw si Chloe kaya daw nag-delete ito ng post nang magkomento ang anak ni Aiai
- Depensa naman ni Chloe, hindi siya natakot at sa katunayan ay na-message pa siya sa mag-ina
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Patuloy na ipinapakita ni Chloe San Jose ang kanyang tapang sa gitna ng mga negatibong komento na natatanggap niya sa social media.Nag-post siya sa Facebook kung saan ibinida ang kanyang bare face.
Sa naturang post, isang netizen ang nagsabing natakot umano si Chloe kaya daw agad niyang dinelete ang kanyang post matapos magkomento ang anak ni Ai-ai Delas Alas na si Sophia. Hindi naman ito pinalampas ni Chloe at sinagot ang akusasyon sa comment section.
Ayon kay Chloe, wala siyang dinelete na post at hindi siya natatakot, bagkus nagpadala pa siya ng mensahe sa mag-inang Ai-ai at Sophia. Kalakip ng kanyang sagot ay ang screenshot ng kanyang pag-message sa kanila. Aniya, “I messaged both Sophia, and her mum, Ai Ai. We'll see if they even reply lol 🤪 FYI, I didn't delete any post.”
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Hindi napigilan ng netizens na mag-react sa mga pahayag ni Chloe. May mga humanga sa kanyang pagiging palaban at sinabing tama lang na ipaglaban niya ang kanyang panig, habang ang iba naman ay patuloy pa ring bumabatikos. Sa kabila ng kontrobersya, nananatiling aktibo si Chloe sa pagsagot sa kanyang mga kritiko, na lalong nagpapainit sa usapin.
Sa ngayon, inaabangan ng marami kung ano ang magiging tugon nina Ai-ai at Sophia sa mensahe ni Chloe.
Si Chloe San Jose ay kilalang social media personality at influencer sa Pilipinas. Kadalsan siyang nagpo-post tungkol sa fashion, lifestyle, at travel. Madalas din siyang nasasangkot sa mga kontrobersiya at usap-usapan sa social media, lalo na’t palaban ang kanyang personalidad pagdating sa mga isyu.
Pinatulan ng kontrobersyal na content creator na si Chloe San Jose ang isang netizen na nagsabing nagparetoke daw si Chloe. Hindi pinalampas ni Chloe ang bodyshaming na natanggap niya sa social media. Read more:
Usap-usapan ngayon sa social media ang pagkakasabay ni Chloe San Jose at ng kanyang kasintahan na si Carlos Yulo sa Japan habang naroon din ang nakababatang kapatid ni Carlos na sina Eldrew at Yza. Sa isang post ni Chloe kung saan makikitang nasa Japan siya, isang netizen ang nagtanong kung bumalik na sila ni Carlos sa Tokyo at kung bumisita ba sila kina Eldrew at Yza.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh