Chloe San Jose, sinagot kung bakit hindi naka-public ang post niya
- Sinagot ni Chloe San Jose ang isyu kung bakit hindi niya ginawa ang post na public matapos itong kumalat online
- Iginiit ni Chloe na hindi siya nakikialam sa pribadong buhay ng ibang tao sa publiko at hindi siya bahagi ng fake entertainment
- Nilinaw niya na ang kanyang caption ay hindi mapanira at walang dahilan para magalit ang mga tao
- Binatikos niya ang mga netizens na nagtatago sa likod ng fake at locked profiles na hindi siya diretsong kinakausap
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Diretsahang sinagot ni Chloe San Jose ang mga tanong kung bakit hindi niya isinapubliko ang kontrobersyal na post na nagdulot ng usap-usapan sa social media. Ayon kay Chloe, may respeto siya sa pribadong buhay ng ibang tao kaya’t hindi siya naglalabas ng mga personal na bagay sa publiko, lalo na kung hindi niya lubos na nauunawaan ang buong kuwento.
“I do not involve myself in other people’s private lives PUBLICLY,” ani Chloe, na iginiit na hindi siya bahagi ng “clown and fake entertainment” na nagaganap sa social media.
Nilinaw rin niya na hindi siya nagkulang sa pag-iingat, ngunit hindi niya kontrolado na may taong nag-screenshot ng kanyang "private" post. Ipinunto pa niya na kahit na isinapubliko niya ito, ang kanyang caption ay hindi nakasakit o naging mapanira. “So, why the outrage?” tanong ni Chloe, na tila ipinaparating na hindi niya layuning magpasimula ng gulo o kontrobersiya.
Dagdag pa ni Chloe, mas nakakabahala para sa kanya ang mga taong nagpapahayag ng kanilang opinyon laban sa kanya nang hindi siya direktang kinakausap.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Aniya, “Isn’t it actually more cowardly for people to discuss me publicly yet never address me directly in private?” Para kay Chloe, ang tunay na tapang ay nakikita sa mga pag-uusap na nagaganap offline at hindi sa social media.
Sa huling bahagi ng kanyang pahayag, sinagot ni Chloe ang mga nanghuhusga mula sa mga “fake and locked” profiles. “Ang scary niyo naman behind those fake and locked profile of yours,” ani Chloe, na tila may patama sa mga anonymous na nagpapalaganap ng kontrobersiya sa kanyang post.
Si Chloe San Jose ay kilalang social media personality at influencer sa Pilipinas. Kadalsan siyang nagpo-post tungkol sa fashion, lifestyle, at travel. Madalas din siyang nasasangkot sa mga kontrobersiya at usap-usapan sa social media, lalo na’t palaban ang kanyang personalidad pagdating sa mga isyu.
Pinatulan ng kontrobersyal na content creator na si Chloe San Jose ang isang netizen na nagsabing nagparetoke daw si Chloe. Hindi pinalampas ni Chloe ang bodyshaming na natanggap niya sa social media. Read more:
Usap-usapan ngayon sa social media ang pagkakasabay ni Chloe San Jose at ng kanyang kasintahan na si Carlos Yulo sa Japan habang naroon din ang nakababatang kapatid ni Carlos na sina Eldrew at Yza. Sa isang post ni Chloe kung saan makikitang nasa Japan siya, isang netizen ang nagtanong kung bumalik na sila ni Carlos sa Tokyo at kung bumisita ba sila kina Eldrew at Yza.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh