Chariz Solomon, naparatangan ng harassment ng dating Bubble Gang co-star

Chariz Solomon, naparatangan ng harassment ng dating Bubble Gang co-star

- Ibinunyag ni Chariz Solomon na inakusahan siya ng s3xual harassment ng dating co-star sa Bubble Gang

- Sa isang panayam sa "Lutong Bahay" ng GTV, inamin niyang galit na galit siya noong mangyari ito dahil buntis siya noong 2013

- Nakatanggap umano siya ng email mula sa "girlfriend" ng co-star na nagpaparatang na nagpapakita siya ng interes dito

- Mariing itinanggi ni Chariz ang mga akusasyon at iginiit na wala siyang anumang pagtingin sa nasabing co-star

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Ibinahagi ng komedyanteng si Chariz Solomon ang hindi inaasahang karanasan ng pagpaparatang sa kaniya ng s3xual harassment ng isa niyang dating co-star sa sikat na gag show na "Bubble Gang." Ang rebelasyon ay kaniyang inilabas sa isang panayam sa programang "Lutong Bahay" ng GTV kamakailan.

Chariz Solomon, naparatangan ng harassment ng dating Bubble Gang co-star
Chariz Solomon, naparatangan ng harassment ng dating Bubble Gang co-star
Source: Youtube

Sa naturang episode, naurirat si Chariz kung sino sa mga nakatrabaho na niya ang ayaw na niyang makasama ulit sa trabaho. Walang takot na binanggit ni Chariz ang pangalan ng dating kasamahan ngunit ito'y agad namang na-bleep ng programa, kaya’t hindi natukoy ng mga manonood kung sino ang tinutukoy niya.

Read also

AiAi, emosyonal nang maikwentong sinubukan nilang magkaanak ni Gerald

Ayon kay Chariz, nakatanggap umano siya ng email mula sa "girlfriend" ng kaniyang dating co-star na nag-aakusa sa kaniya ng s3xual harassment. Ikinakalat umano ng nasabing co-star na nagpapakita siya ng interes dito, sa kabila ng katotohanang may karelasyon na ang naturang aktor.

Mariing itinanggi ni Chariz ang mga paratang at sinabing wala siyang kahit anong pagtingin sa nasabing co-star. Sa katunayan, galit na galit siya nang mangyari ito dahil nagkataong buntis siya noon sa kaniyang anak na si Apollo, noong 2013.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi na idinetalye ni Chariz kung ano nga ba ang nagawa niya upang maparatangan ng ganoong akusasyon. Aniya, masakit at nakapanghihina ang naturang karanasan lalo na't nasa delikadong kalagayan siya bilang isang nagdadalang-tao noong mga panahong iyon.

Si Chariz Solomon ay isang kilalang komedyante, aktres, at TV host sa Pilipinas. Nakilala siya bilang isa sa mga regular na cast members ng long-running gag show na "Bubble Gang" sa GMA Network. Bukod sa pagiging komedyante, lumabas din siya sa iba’t ibang palabas tulad ng mga teleserye at reality shows.

Read also

Coco Martin, kinabiliban sa kanyang pagiging hands-on sa pagpromote ng kanyang produkto

Ibinahagi ni Chariz Solomon, host ng “Tahanang Pinakamasaya,” ang isang post tungkol sa noontime show ng TAPE Inc. Sa isang Instagram post, ibinahagi ng Kapuso star ang magagandang larawan ng mga host ng programa at ng mga tao sa likod ng kamera.

Si Paolo Contis noong Marso 14 ay nagdiwang ng ika-40 na taon. Isa si Chariz Solomon sa mga bumati sa aktor sa social media. Sa Instagram Stories, binati ni Chariz ang kapwa komedyante ng isang maligayang kaarawan. Ibinahagi rin ng aktres ang ilang magagandang larawan nila ni Paolo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate