AiAi, emosyonal nang maikwentong sinubukan nilang magkaanak ni Gerald

AiAi, emosyonal nang maikwentong sinubukan nilang magkaanak ni Gerald

- Naikwento ni AiAi Delas Alas ang pinagdaanan nila ng asawang si Gerald Sibayan nang subukan nilang magkaanak

- Isinapubliko nito ang pagpapa-in vitro fertilization at kung ano ang kinahinatnan ng mga ito

- Doon, hindi na napigilan ni AiAi ang kanyang luha habang inilalahad na isusurpresa pa niya sana ang asawa

- Subalit, nagdesisyon na umano si Gerald na tapusin ang kanilang relasyon noong nakaraang buwan

Inilahad ni AiAi Delas Alas na sinubukan umano nila ng kanyang mister na si Gerald Sibayan na magkaroon pa ng sariling anak.

AiAi, emosyonal nang maikwentong sinubukan nilang magkaanak ni Gerald
AiAi, emosyonal nang maikwentong sinubukan nilang magkaanak ni Gerald (@msaiaidelasalas)
Source: Instagram

Ito ay kanyang naibahagi sa Fast Talks with Boy Abunda kung saan matapang niyang kinumpirma sa mismong araw ng kanyang kaarawan na hiwalay na sila ng kanyang mister halos isang buwan na ang nakalipas.

Isa kasi umano sa mga nasabi ni Gerald na dahilan ay ang pagnanais niyang magkaroon ng sariling anak.

Doon, hindi na napigilang maluha ni AiAi nang sabihing sumubok sila sa in vitro fertilization subalit dalawa agad ang nawala nilang anghel.

Read also

AiAi, kinumpirmang hiwalay na sila ni Gerald sa mismong araw ng 60th birthday niya

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"'Yun nga yung tampo ko. The word is tampo kasi alam naman niya na bago pa niya ako pakasalan na hindi naman na ako magkakaanak. But Ama, I really tried my best. Kasi meron kaming invitro. Kahit mahina 'yung eggs ko, tinatry ko na mag- IVF. And then, meron kaming tatlong embryo."

Lalo nang umagos ang luha ni AiAi nang banggitin pa niya ang mga pangalan ng kanila umano sanang mga "anak" ni Gerald.

"May name yun, si Gail, si Grace... Meron pa kaming isa, si Gold. Meron pa kaming isang embryo e. Sabi ko sa kanya pag nagkapera kami, susurprise ko sana siya. Na ilalagay ko yung baby para meron kaming anak. Para magkaroon kami ng baby."
"Siguro 'yun yung nagtrigger sa kanya na ayaw niya ng surprise. Ayaw niya ng surprise na bibigyan ko siya ng baby, 'di ba meron pa kaming isa pang embryo si Gold. Baka 'yun. Na hindi niya nasabi sa akin."

Read also

Alexa Ilacad, pinagsasabihan ang mga fans ni Fyang Smith sa kanyang live

"Pero nasabi niya na nasasaktan siya nung nawala yung dalawa naming baby."

Sa kabila ng emosyonal na paglalahad, napanindigan pa rin nito ang pagiging Comedy Queen at nakuha pa ring magbiro sa nangyari.

"Siguro kasi, ayaw niya ng pahaba. Gusto niya ng pabilog 'yung mga baby"

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa Fast Talk with Boy Abunda:

Si Ai-Ai Delas Alas ay isang aktres at komedyante sa Pilipinas. tinagurian siyang 'Queen of Comedy ng bansa.Sa dami ng nagawa niyang pelikula, isa sa pinakatumatak na karakter niya ay bilang si Ina Montecillo sa serye ng pelikulang 'Ang Tanging Ina.'

Samantala, sa isang episode ng Showbiz Now Na! ni Cristy Fermin, nabanggit nito ang nabalitaang aso na lamang ang nadatnan ni AiAi nang minsan siyang magbalik sa kanilang tahanan sa Amerika. Ito ay kaugnay sa usap-usapang hiwalayan nina AiAi at Gerald na hinihintay na ng marami ang kumpirmasyon kung ito ba ay may katotohanan o may pinagdaraanan lamang ang dalawa sa kanilang buhay mag-asawa.

Read also

Ogie D, ibinahagi ang umano'y reaksyon ni Sancho sa maugong na hiwalayan ng inang si AiAi at Gerald

Naibahagi rin ni Ogie Diaz ang umano'y naging reaksyon ni Sancho, panganay na anak ni AiAi sa hiwalayan ng ina at ni Gerald Sibayan. Maging si Sancho ay nagulat at nalungkot sa nangyari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica