Cristy, nabalitaang aso na lamang umano ang nadatnan ni Aiai sa bahay

Cristy, nabalitaang aso na lamang umano ang nadatnan ni Aiai sa bahay

- Nagbigay ng ilang detalye si Cristy Fermin kaugnay sa maugong na hiwalayan nina AiAi Delas Alas at Gerald Sibayan

- May mga sources umano si Cristy sa Amerika na na nakapagbigay impormasyon sa kanya ukol sa mag-asawa

- Aminado si Cristy na bilang babae, nakikisimpatya siya kay AiAi na malapit din niyang kaibigan

- Lalo na at hindi biro ang sampung taong pagsasama ng dalawa kaya't hiling pa rin naman nina Cristy na magkaayos ang mga ito sakaling totoo ang mga espekulasyon

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Sa November 10 episode ng Showbiz Now Na! natalakay nina Cristy Fermin, Rommel Chika, at Wendell Alvarez ang tungkol sa maugong nahiwalayan di umano nina AiAi Delas Alas at Gerald Sibayan.

Ayon kay Cristy, ilang sources niya sa Amerika ang nagbigay detalye kaugnay sa nasabing isyu.

"Ang nakarating sa akin, ayon sa source ko hindi na masaya si Gerald kay AiAi. Tinapat daw si AiAi na hindi na siya masaya kay AiAi. Pinakamahirap na katwiran yun. Ang dahilan ay yung happiness, alam naman natin di ba?"

Read also

Ogie D, ibinahagi ang umano'y reaksyon ni Sancho sa maugong na hiwalayan ng inang si AiAi at Gerald

Sakali mang totoo ito, nakikisimpatya umano si Cristy kay AiAi bilang babae at malapit niyang kaibigan.

Lalo na at maging sa Amerika ay may blind item umano na pinaniniwalaang si AiAi ang tinutukoy.

Isa rin sa mga nakarating sa kanya ay tungkol sa aso nina AiAi at Gerald.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"'Yun palang asong ito, umuwi siya sa Amerika, iniwan daw ni Gerald sa bahay." Ang alaga nilang ito ay minsan nang naibahagi ni AiAi sa kanya umanong Instagram kung saan kasama niya ito sa eroplano. Iyon pala, dinala na rin niya ito sa Pilipinas.

Narito ang kabuuan ng naging talakayan nina Cristy mula sa kanyang YouTube channel:

Si Ai-Ai Delas Alas ay isang aktres at komedyante sa Pilipinas. Sa dami ng nagawa niyang pelikula, isa sa pinakatumatak na karakter niya ay bilang si Ina Montecillo sa serye ng pelikulang 'Ang Tanging Ina.' Sa naturang pelikula niya naging anak si Jiro Manio na maging sa totoong buhay ay trinato na niyang parang anak sa tulong na naibibigay nito sa dating aktor.

Read also

Ogie Diaz, nabalitaang nagpapadala ng food ang mommy ni Dominic kay Sue

Matagal na panahon na ring namalagi si Aiai sa Amerika kasama ang mister na si gerald. Sa naturang interview rin sa kanya ni Julius Babao, nabanggit ni Ai-Ai na bumabalik lamang siya sa bansa kung mayroon siyang proyektong gagawin. Tulad na lamang ng pagbabalik telebisyon ng 'The Clash' sa GMA.

Samantala, sa isang episode ng Showbiz Now Na! ni Cristy Fermin, sinabing hanga umano siya sa disiplina ni Ai-Ai sa sarili maging sa pagkaing kinakain nito. Ayon kay Cristy, iyon umano ang pinakamagandang panuntunan sa buhay ng 'Queen of Comedy' ng Pilipinas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica