Ken Chan, nagbahagi ng picture Statue of Liberty sa gitna ng sinampang kaso sa kanya
- Nagbahagi si Ken Chan picture ng Statue of Liberty sa kanyang Instagram stories
- Ito ay sa kabila ng paglabas ng balita tungkol sa pag-serve ng warrant of arrest sa kanya kaugnay sa kasong syndicated estafa
- Walang inabutan ang mga otoridad nang puntahan siya sa bahay ng aktor na si Ken Chan para isilbi ang arrest warrant laban sa kanya umaga nitong Biyernes, Nobyembre 8
- Walang tumanggap sa warrant nang ihain ito sa tahanan ni Chan sa loob ng isang subdibisyon sa Barangay Tandang Sora, Quezon City
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nag-post ang aktor na si Ken Chan ng larawan ng Statue of Liberty sa kanyang Instagram stories ngayong Biyernes, Nobyembre 8. Ang post na ito ay binahagi niya sa Instagram story sa gitna ng mga ulat tungkol sa pag-serve ng warrant of arrest laban sa kanya kaugnay sa kasong syndicated estafa.
Ayon sa mga ulat, sinubukan ng mga otoridad na isilbi ang arrest warrant kay Chan sa kanyang tirahan sa isang subdibisyon sa Barangay Tandang Sora, Quezon City, ngunit nabigo silang maabutan ang aktor. Wala rin umanong tumanggap ng dokumento nang ihain ito ng mga pulis sa nasabing bahay, dahilan upang mapilitang bumalik ang mga awtoridad nang wala pa ring aksyon.
Hanggang sa mga sandaling ito, tikom pa rin ang bibig ng kampo ni Ken Chan hinggil sa nasabing kaso. Wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang aktor o ang kanyang mga abogado upang linawin ang sitwasyon o kung ano ang magiging hakbang nila kaugnay sa isyu.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Samantala, ang post ni Chan ng larawan ng Statue of Liberty ay nagdulot ng samu't saring espekulasyon mula sa mga netizens, na tinatanong kung may simbolismo ba ito kaugnay sa kanyang legal na sitwasyon. Patuloy na nag-aabang ang publiko sa mga susunod na hakbang ng aktor sa harap ng mga akusasyon laban sa kanya.
Si Ken Chan ay isang kilalang aktor at TV host sa Pilipinas. Nakilala siya sa mga seryeng "Destiny Rose", kung saan gumanap siya bilang isang transgender woman, at "My Special Tatay", bilang isang lalaking may mild intellectual disability. Ipinakita niya ang kanyang versatility sa pag-arte sa mga palabas na ito.
Ipinahayag ni Ken ang kanyang kalungkutan sa biglaang pagpanaw ni Jaclyn Jose. Ang Kapuso actor ay nagbigay-pugay sa yumaong beteranang aktres sa pamamagitan ng kanyang social media pages.
Si Ken Chan, isang Filipino-Chinese na aktor, ay kamakailan lamang sinubukan na silbihan ng warrant of arrest. Iniulat na kinasuhan si Ken ng "Syndicated Estafa". Sinabi ni Atty. Joseph Noel Estrada sa media ang tungkol sa umano'y "investment scam" na kinasasangkutan ng aktor.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh