Mayor Niña Jose-Quiambao sa 'palit mic' issue noon: "Maarte ako pero 'di ako mapangmatang tao"
- Muling nakapanayam ni Ogie Diaz ang dating aktres at ngayo'y alkalde ng Bayambang na si Mayor Niña Jose-Quiambao
- Natalakay nila ang umugong noon na 'palit-mic' issue kung saan siya ay nabatikos ng marami
- May ilang paglilinaw si Mayor Niña lalo na sa mga nagsabi umanong 'maarte' siya dahil sa nasabing insidente
- Naibahagi rin niyang humingi na ng tawad ang umano'y nag-edit ng video na labis na nakaapekto sa kanya
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Isa sa natalakay ni Ogie Diaz sa panayam niya kay Mayor Niña Jose-Quiambao ng Bayambang, Pangasinan ay ang tungkol sa 'palit mic' issue na labis na ikinabahala ng nasabing alkalde.
Ayon kay Mayor Niña, nagpakatotoo lamang siya sa pagsasabing 'mabaho' ang gagamiting mikropono sa naturang flag ceremony nila sa kanilang munisipalidad.
"Meron kasing nang-edit nun, hindi ko nalang papangalanan pero alam mo naman kung sino. Meron kasing nagplano ng masama towards me, i-sabotage ako, paninirang puri," pagbabalik tanaw ng alkalde.
"In-edit nila 'yung video to make it seem like napakaarte kong tao which is true, maarte po talaga akong tao, inaamin ko 'yun!"
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Bagama't inamin niya ito, nilinaw ni Mayor Niña na hindi nangangahulugang masama siyang tao.
"Maarte ako pero hindi ako mapagmatang tao. I'm just being real. Pero it doesn't mean to say na maarte po ako e hindi ako mabait na tao and hindi ako tumutulong sa kapwa ko. Innate na po 'yun sakin. tinuro po sa'kin yung ng mommy ko na kailangan mong tumulong sa kapwa mo kailangan mong mag-give back, kailangan mo to pay it forward."
Naikwento rin niyang humingi na ng tawad sa kanya ang taong nag-edit umano ng video.
"Pero humingi naman ng tawad yung tao. Hindi ko lang alam kung sincere siya."
Gayunpaman, aminado ang alkalde na labis siyang naapektuhan ng issue subalit natuto siyang tumayo sa unos na ito sa tulong ng kanyang pamilya, mga taong tunay na nakakakilala sa kanya lalong-lalo na ng kanyang asawa.
"Dati 'dun sa mic, honestly Mama O, I wanted to die na. I wanted to give up. Sinasabi ko kay Cezar 'yun pero sinabi niya sa'kin na 'no you'll be okay, you're strong. Marami ka pang pinagdaanan kesa dito. 'Yung mga umaaway sa'yo hindi naman nila alam yung tunay na ikaw."
Humingi rin ng tawad ang alkalde sa mga taong aniya'y nasaktan niya sa kanyang nasabi sa naturang insidente.
"I just want to apologize po if may mga na-offend ako na tao with what I'm saying or with that I am. I don't mean any harm. I don't mean any intention na mang-apak ng tao because number one rule po 'yan sa'min na bawal mang-apak ng tao. 'Yan yung mga isa sa mga natutunan ko sa mommy ko."
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:
Si Mayor Niña Jose-Quiambao ay unang nakilala sa reality show na Pinoy Big Brother. Nang makalabas sa bahay ni Kuya, nabigyan siya ng pagkakataong mag-artista kung saan napanood siya sa ilang mga teleserye ng ABS-CBN. Hanggang siya ay ikinasal sa negosyante at dating Bayambang mayor na si Cezar Quiambao.
Gumawa ng ingay ang kanyang pangalan kamakailan dahil sa naging reaksyon niya sa mic na kanyang gagamitin sa isang pagtitipon sa kanilang lugar. Hayagan niyang nasabi na nais niya itong papalitan dahil hindi niya umano kinaya ang 'baho' at maasim daw umano ito.
Matatandaang si Ogie Diaz din ang nakapag-usisa kay Mayor Niña noon tungkol sa kung ano ang kanyang saloobin sa nangyari lalo na at agad siya noong nahusgahan ng maraming tao.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh