Anne Curtis, binahagi ang invitation ng aniya'y #BiggestWeddingOfTheYear

Anne Curtis, binahagi ang invitation ng aniya'y #BiggestWeddingOfTheYear

- Marami ang napaisip kung sino ang tinutukoy ni Anne Curtis at iba pang personalidad na umano'y ikakasal

- Sa kanyang binahaging post sa Instagram story ay walang pangalan o kung sinumang naka-tag

- Sa mga Instagram stories nila ay binahagi nila ang picture ng invitation na may nakamarkang initials na K at B

- Nakalagay din ang petsa na November 5, 2024 kalakip ang hashtag na #BiggestWeddingOfTheYear

Usap-usapan ngayon ang Instagram post ni Anne Curtis kung saan ibinahagi niya ang invitation para sa tinaguriang #BiggestWeddingOfTheYear. Maraming netizens at tagahanga ang napa-isip kung sino ang ikakasal sa nasabing espesyal na okasyon, lalo’t maging ang iba pang personalidad ay nagbahagi rin ng mga larawan ng imbitasyon.

Anne Curtis, binahagi ang invitation ng aniya'y #BiggestWeddingOfTheYear
Anne Curtis, binahagi ang invitation ng aniya'y #BiggestWeddingOfTheYear
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram story, makikitang walang pangalan o anumang naka-tag na tao, kaya't lalong naging palaisipan kung sino ang ikakasal. Sa mga Instagram stories ng iba pang celebrities, makikita ang parehong invitation na may mga nakamarkang initials na “K” at “B,” dahilan upang lalong mag-umapaw ang espekulasyon.

Read also

Melissa Ricks, nagbahagi ng update sa kanyang weight loss journey

Nakatakdang maganap ang kasal sa November 5, 2024, batay sa petsang nakalagay sa invitation. Kasama rin dito ang hashtag na #BiggestWeddingOfTheYear, na siyang nagpataas ng excitement at kasabikan sa social media.

Anne Curtis, binahagi ang invitation ng aniya'y #BiggestWeddingOfTheYear
Anne Curtis, binahagi ang invitation ng aniya'y #BiggestWeddingOfTheYear
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kasalukuyan, abala si Anne Curtis sa pag-shoot ng kanyang pagbabalik sa drama, ang Philippine adaptation ng It’s Okay to Not Be Okay, na inaasahang ipalalabas sa huling bahagi ng 2024. Samantala, patuloy naman ang visibility ni Erwan sa kanyang online channel na FEATR, kung saan ibinabahagi niya ang kanyang mga food adventures at biyahe sa iba't ibang lugar

Matapos ang pamamalagi sa Australia dahil sa kanyang panganganak at dahil na rin sa pandemya, Pebrero lamang ng kasalukuyang taon umuwi ang mag-anak. Kamakailan lang ay nagbakasyon sa Boracay sina Anne kasama ang anak na si Dahlia at si Solenn Heussaff kasama naman si Thylane. Naging usap-usapan ang mga litrato ni Anne na kuha sa tabing dagat.

Read also

Denise Laurel, nag-post ng pictures kasama si Skusta Clee

Matatandaang marami ang naaliw sa binahaging video ni Erwan sa kanyang Instagram post. Ito umano ang inihanda sana nilang sorpresa ng anak niyang si Dahlia Amelie Heussaff para sa Mother's Day video nila para kay Anne. Ani Erwan, kakanta sana silang mag-ama ngunit hindi nila iyon natapos dahil sa pangungulit ng anak. Hindi naman napigilan ni Erwan na matawa sa anak at maging ang mga netizens ay aliw na aliw sa cute at bibong anak nila Anne at Erwan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate