Ellen Adarna, ibinida ang paghuhugas ni Elias ng milk bottle ng kanyang kapatid
- Binahagi ni ellen Adarna sa pamamagita ng kanyang Instagram story ang isang video clip kung saan makikitang naghuhugas si Elias ng takip ng bote
- Maririnig sa naturang video na tinatanong ni Ellen ang anak kung gusto nito ang ginagawa niyang paghuhugas ng bote ng kapatid niya si Liana
- Sagot naman ni Elias, "Yeah, it's good for her" na naging dahilan ng pagtawa ni Ellen
- Matatandaang kamakailan lang nang isapubliko ng mag-asawang Ellen at Derek Ramsay ang tungkol sa panganganak ni Ellen
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Kinagiliwan ng netizens ang isang cute na video na ibinahagi ni Ellen Adarna sa kanyang Instagram story, kung saan makikita ang kanyang anak na si Elias na abala sa paghuhugas ng takip ng bote ng kapatid niyang si Liana. Sa naturang video, maririnig si Ellen na tinatanong si Elias kung gusto ba nito ang ginagawa niyang paghuhugas para sa kanyang baby sister.
Matamis namang sinagot ni Elias ang kanyang ina, "Yeah, it's good for her," na nagbigay tuwa kay Ellen at naging dahilan ng kanyang pagtawa. Ang kaswal ngunit nakakaaliw na pag-uusap ng mag-ina ay agad na umani ng reaksyon mula sa mga tagahanga na natuwa sa pagiging maalaga ni Elias sa kanyang bagong kapatid.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Matatandaang kamakailan lamang ay isiniwalat ng mag-asawang Ellen Adarna at Derek Ramsay ang tungkol sa panganganak ni Ellen. Marami ang nagulat dahil lingid sa kaalaman ng publiko ang kanyang pagbubuntis, isang desisyon na pinili ng mag-asawa na manatiling pribado hanggang sa maipanganak si baby Liana.
Si Ellen Adarna o Ellen Meriam Go Adarna-Ramsay sa totoong buhay ay ang panganay na anak na babae ng isang prominenteng pamilya sa Cebu. Sila ay nagmamay-ari ng maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa Timog at pati na rin sa Manila at Davao. Isa din siyang kilalang modelo na nagsimula bilang isang sikat na social media celebrity na kinalaunan ay naging isa sa mga 'Star Magic' artist mula noong taong 2013. Naging cover girl din siya sa iba't-ibang magazines.
Sa kanyang IG stories ay matatandaang sinagot ni Ellen ang tanong ng netizens sa kanya. Isa sa mga naitanong sa kanya ay patungkol sa mga haters at bashers. Naitanong sa kanya kung paano siya sa kanyang mga bashers. Direktang sinagot ni Ellen ang tanong na ito. "Kebs" daw siya sa mga ito dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa kanya.
Samantala, binahagi ni Ellen sa social media post niya ang video ng anak niyang si Elias na mas pinipiling tumabi kay Derek. Base sa video mukhang kuha ito sa loob ng eroplano kung saan makikita si Derek na nakaupo sa isang malaking airplane seat. Makikita si Elias na nakasiksik sa tabi ni Derek habang may pinapanood. Maririnig sa video ang pagpapabalik sa kanya sa upuan niya ngunit aniya ay mas gusto niyang matulog katabi ang kanyang "Papa D."
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh