DOJ, nagsampa ng kaso laban sa independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz
- Nagsampa ang DOJ ng kaso laban kina Jojo Nones at Richard Cruz dahil sa umano’y panghahalay sa aktor na si Sandro Muhlach
- Ayon sa resolusyon ng DOJ, may sapat na ebidensya upang kasuhan ang dalawa ng r^pe sa pamamagitan ng sèxual assault at acts of lasciviousness
- Napatunayan ng DOJ ang paggamit ng puwersa at pananakot sa insidente, base sa pahayag ni Muhlach
- Hiniling nina Nones at Cruz na ibasura ang kaso ngunit nagpatuloy ang DOJ sa pagsampa ng kaso sa Pasay RTC
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagsampa ang Department of Justice (DOJ) ng kaso laban sa dalawang independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz dahil sa umano’y panghahalay sa aktor na si Sandro Muhlach, ayon sa ulat ni Saleema Refran sa Super Radyo dzBB nitong Miyerkules.
Ayon sa mga piskal, isang bilang ng panggagahasa sa pamamagitan ng sèxual assault at dalawang bilang ng acts of lasciviousness ang isinampa laban kina Nones at Cruz sa Pasay Regional Trial Court (RTC) Branch 115. Matapos ang pagsusuri ng mga ebidensya, natukoy ng mga piskal na mayroong sapat na basehan para kasuhan ang dalawa at ituring na mayroong makatwirang posibilidad na sila ay makasuhan at mahahatulan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nag-ugat ang kaso sa reklamong isinampa ni Muhlach at ng National Bureau of Investigation sa DOJ noong Agosto. Sa kanilang counter-affidavit, iginiit nina Nones at Cruz na walang sapat na ebidensya para patunayan ang mga paratang laban sa kanila.
Ngunit sa 20-pahinang resolusyon ng DOJ, nakita ng panel of prosecutors na present ang lahat ng elemento ng sèxual assault at acts of lasciviousness sa kaso. Sinabi rin ng DOJ na napatunayan ang paggamit ng puwersa at pananakot, batay sa pahayag ni Muhlach na paulit-ulit umano siyang nagpumiglas at nakiusap na itigil ang hindi kanais-nais na sèxual advances ng mga respondents.
Dagdag ng DOJ, hindi maaring gawing batayan ang normal na asal ni Muhlach matapos ang insidente upang pagdudahan ang kanyang mga pahayag. Paliwanag nila, iba-iba ang reaksyon ng bawat biktima sa mga ganitong karanasan, at hindi dapat mabahiran ng alinlangan ang kredibilidad ni Muhlach.
Samantala, sinabi ni Atty. Maggie Garduque, abugado nina Nones at Cruz, na hinihintay pa nilang matanggap ang kopya ng resolusyon upang magbigay ng opisyal na pahayag.
Matatandaang tatlong hotel ang nagsumite ng mga kopya ng CCTV sa NBI kaugnay ng kaso ni Sandro Muhlach. Ang mga footage ay mula sa mga hotel na pinuntahan ni Muhlach bago at pagkatapos ng umano'y pangmomolestya.
Kinuwestiyon naman ni Senator Jinggoy Estrada kung paano nalaman ni Ogie Diaz ang insidente. Sinabi ni Estrada na unang lumabas ang impormasyon sa publiko bago pa ito nalaman ng pamilya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh