KC Concepcion, nag-react sa video ng mga magulang matapos nilang manalo ng 'Best Concert' 2024'

KC Concepcion, nag-react sa video ng mga magulang matapos nilang manalo ng 'Best Concert' 2024'

- Nagpasalamat sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion matapos kilalanin ang kanilang “Dear Heart” concert bilang Best Concert of the Year sa 16th PMPC Star Awards for Music

- Nag-react si KC Concepcion sa Instagram post ng ina at bumati sa tagumpay ng kanyang mga magulang

- Kasalukuyang nasa North America sina Cuneta at Concepcion para sa kanilang “Dear Heart” US-Canada concert tour

- Nagbigay ng bagong sigla ang muling pagtatambal ng ShaGab para sa kanilang mga loyal na tagahanga

Nagpasalamat ang dating mag-asawa na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion matapos kilalanin ang kanilang reunion concert na "Dear Heart" bilang Best Concert of the Year sa 16th PMPC Star Awards for Music ngayong 2023.

KC Concepcion, nag-react sa video ng mga magulang matapos nilang manalo ng 'Best Concert' 2024'
KC Concepcion, nag-react sa video ng mga magulang matapos nilang manalo ng 'Best Concert' 2024'
Source: Instagram

Sa Instagram, nag-post si Cuneta ng video kung saan makikita sila ni Concepcion na nagpapahayag ng pasasalamat para sa kanilang natanggap na parangal. Sa kanyang caption, isinulat ni Cuneta, “Thank you PMPC for awarding Dear Heart the Best Concert for 2024.

Read also

Karen Davila sa kanyang 'White Lady' blooper sa TV Patrol: “Sorry guys'

This award is very timely as we are currently on our North America tour. This is for you all our ShaGab fans!”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isa sa mga unang nagbigay ng reaksyon ang kanilang anak na si KC Concepcion na nagkomento ng, “Woohoo!!! Congratulations team DEAR HEART.” Maraming netizens ang natuwa sa komento ni KC at naghayag ng kanilang paghanga sa tambalang ShaGab, umaasang masaksihan ang kanilang pagsasama sa entablado kasama ang kanilang anak.

Ang kasalukuyang North America concert tour ng dating mag-asawa ay patuloy na sinusubaybayan ng mga tagahanga sa social media, na bumabalik-tanaw sa kanilang klasikong pelikulang “Dear Heart” noong 1981—ang una nilang proyekto na nagpasimula ng kanilang love team.

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.

Read also

Dating aktor na si John Wayne Sace, inaresto sa Pasig dahil sa pamamaril

Matatandaang binahagi ni Sharon sa kanyang vlog ang pamamasyal nilang mag-anak sa Seoul, South Korea. Sa isang bahagi ng kanyang vlog ay tumungo sila sa store ng Hermes para sana umano bumili ng belt.

Nagdadalamhati si Sharon sa pagpanaw ng kanyang matalik na kaibigan at dating manunulat na si Manny Castañeda. Ibinahagi niya ang kanilang pinagsamahan mula pa noong 1986 sa kanyang show na "The Sharon Cuneta Show."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate